/30 minutes ago/
She's been waiting for this day to happen. Gumising siya ng maaga at siniguro na magiging unforgettable ang araw na ito.
"Ms.Magsakay?" tawag sa kanya ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
Dali-dali siyang tumayo. "Yes po."
"I'm Alma Tejano, HR representative of this company." anito at nakipag-kamay sa kanya. "You're early today, but that's better since napaaga si Sir ngayon, nasa board lang as of this moment."
"Ganon po ba?"
Tumango ito. "So let's go?" anito. Tinignan siya nito, "You look nice and presentable. I thought kailagan ko pang i-discuss ang dress code, but I think hindi naman na. Just keep it like that."
Kita naman talaga ang ganda niya ngayong araw, naka-makeup siya, nakaayos ang buhok at hindi mukhang hinangin sa labas. Nakasuot sya ng elegant blouse, hindi lang iyon, naka black fitted skirt siya para maiba naman dahil madalas ay pants ang suot niya sa dating opisina. Hindi lang iyon dahil naka-heels din siya na may dalawang inches ang taas. Again, para maiba naman, hindi katulad noon na madalas ay naka-rubber shoes siya. Kailangan lalo pa at madalas siyang abala at kailangan na mabilis niyang maibigay ang mga documents na ipinaayos sa kanya. Kaya ngayong araw na ito ay minsan lang. Gusto niya lang talagang maging presintable.
Sinundan niya si Ms. Alma sa office nito, ibinigay nito sa kaniya ang contract at ang papel kung saan nakasaad ang kaniyang job description.
"Secretary po?" tanong niya na tila may gulat.
"Yes? is there a problem? hindi ba nabanggit sa iyo ni Ms.Bianca?" tanong nito sa kaniya at napailing siya,
"Ang akala ko po ay clerk lang?,"
"Actually, dapat clerk lang, kaso bigla kaming nangailangan ng secretary dahil na-promote and transfer sa branch natin sa abroad yung dating secretary ni Boss." paliwanag pa ni Ms.Alma. "We saw your information and work backgroud, and we think na overqualified ka to be a clerk. So for this role, your starting salary will be 50,000 pesos-"
"Fifty thousand po?!" gulat niyang sabi habang nanlalaki pa ang mga mata.
Nagulat naman si Alma, iniisip na hindi pa sapat ang salary na iyon. "Um.. yes, that's the starting, pero if it's not enough, may I know your asking salary so we can--"
"No! um.. hindi po, I'm okay po with 50,000. Sobrang laki na po iyon," aniya na hindi pa rin talaga makapaniwala. Halos kumabog ang kaniyang dibdib sa kaba. Hindi niya inaasahan talaga, napakalaki ng naidagdag kumpara sa dati niyang sinusweldo. "Maraming salamat po."
"Then we're ok with that, so your position is executive secretary sa presidente ng kumpanyang ito. You're main job is to assist, help him with office work. Lahat ng papeles ay dadaan sayo, you have to check kung ano yung mga for signing, for urgent or yung mga personal documents niya. Check and schedule his meetings, on or offsite meetings, Business and personal meetings. I gave you the copy, you can read and review it." anito at tumango naman si Kate. "Regarding sa oras ng pasok ay weekends lang, maliban na lamang kung he will request or may urgent meetings during weekends. don't worry, bayad pa rin naman kung sakaling mangyari 'yon."
Tumango si Kate at napangiti, "Wala naman pong problema." aniya, pero sa kanyang isip ay, wala talagang problema lalo pa kung may extra pay. Halos kinikilig pa niyang sabi sa kaniyang isipan.
"So that's for now, iiwan kita dito at hintayin mo si Ms.Cecile, siya ang magpapakilala sa'yo kay Boss."
Tila naka-jackpot siya talaga ngayong araw, bukod sa malaki ang sweldo ay kumportable rin ang kaniyang area. Sabi niya iyan lalo pa nang marating niya ang kaniyang magiging office. Pero yung excitement niya kanina at labis na saya ay para bang biglang naglaho.
/kasalukuyan/
Pakiramdam niya ay tumakas ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan, hindi niya alam kung namumutla ba sya o namumula dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nilagnat sa init na nararamdam. Pakiramdam niya at kumulo bigla ang kaniyang dugo ng makita ang lalaki sa kaniyang harap.
"Sir. Del Monte, this is Kate Lyn Magsakay. Your new secretary." pakilala pa ni Cecile sa kaniya sa lalaki na kaniyang nasa harapan.
Bakat ang gulat sa mukha nito kanina nang makita siya, pero hindi nagtagal ay gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at inihain ang kamay sa kaniyang harap. "Hi, Kate." anito sa kaniya.
Hindi siya nakapagsalita, napatitig siya sa lalaki. Kay John.. si John na dati niyang asawa.
Kapag minamalas ka nga naman.. unforgetable nga ang araw na ito. Unforgetable dahil sa lalaking ito, Sa dinami-dami ng taong makikita, sa dami ng magiging boss niya pa, talagang si John pa?
Hindi siya nagsalita pero tinanggap ang kamay nito upang makipagkamay. "Hi, Sir Rafael, nice meeting you, I'm Kate Lyn Magsakay." pakilala niya pa.
"So maiiwan na kita Kate ha? si Boss na ang bahala sa'yo." anito pa sa kaniya.
Wag... wag kang umalis... wag mo akong iwan sa lalaking ito. Ayan ang sabi niya sa kaniyang isipan, at kung pagbibigyan siya ng pagkakataon ngayon ay kakapit sya kay Cecile wag lang siya nitong iwan dito.
At nang makalabas si Cecile sa silid ay tila mas lalong naging awkward ang pagitan nila.
Si John, ngiting aso sa kaniyang harapan. Hindi niya alam ang irereact, marami ang naglalaro sa kaniyang isipan sa totoo lang. Sinadya ba nito na siya ang kunin na secetary? kilala ba siya nito una pa lang kaya ganito? ang dami kasing pagkakataon pero wala.
Muli ay nagtama na naman ang landas ng dating mag-asawa.
Habang tinitignan niya si John kanina, aaminin niya na hindi pa rin nawawala na mabilis siyang naapekuhan, may galit, may lungkot. Pero ngayon hindi niya rin maipaliwanag kung bakit parang naginhawaan sya.
Masaya siyang makita ito matapos ang ilang taon na hindi sila nagkita at nagkausap.
"Hi, Kate." basag nito sa katahimikan. "It's nice to see you again."
Ngumiti siya, "Me too, John."
Pagkasabi non ni Kate ay kapwa silang natahimik. Nagkatitigan. Hanggang sa tila naging iba ang tagpo sa pagitan nila, dahan-dahan na lumapit si John sa kaniya, inilapit ang mukha nito.
Unti-unti na nawala ang espasyo sa pagitan nila, nagtama ang tingin sa isat-isa hanggang sa bumaba ang tingin ni John sa mga labi ni Kate.