bc

My one true love

book_age4+
4
FOLLOW
1K
READ
independent
self-improved
inspirational
student
drama
twisted
sweet
ambitious
realistic earth
friendship
like
intro-logo
Blurb

My one true love?

Did you find the one for you? Do you search for him or her? Or did they find you at the right time and right place?

When will we ever say our hearts finally found its way home?

chap-preview
Free preview
The transferee
My one true love Part 1 ♡♡? ---transferee--- Highschool life eto yung pinakamasayang part ng buhay studyante, andito ang crush, kilig factor, love, at madaming suitor, uo madami o kung hindi man madami e meron nung the one agad, minsan nga first year highschool palang may in relationship na pero ako wala kaya napapatanong talaga ako minsan kung "panget ba ako?". Kase naman fourt year na ako wala pa ako boyfie lalo na kahit isang suitor ang lungkot diba! Naiinggit tuloy ako kapag may nakikita ako na mag syota lalo na ang sweet, holding hands while walking, while me "ALONE" haist..! gusto ko mainlove at yung may mainlove din sakin kaso kelan kaya?! Kailan? Palage ako ganito nagde daydream lang palage..haist..!" Pero isang pangyayari ang nagbago sa life ko eto na kaya ang hinihintay ko o joke lang to.?!" *** Elementary o High school life sabi nila mas masaya ang buhay ng pagiging high school sa lahat ng parte ng pagaaral mo, kapag elementarya ka palang wala kang alam kundi puro laro, minsan mga sipunin pa na bata ang makakalaro mo pero wala silang paki alam basta mag enjoy lang kasama ang mga kaklase, kapag kolehiyo ka naman hindi rin dahil masyadong seryoso ang buhay dahil matured kana kumbaga gawain na nang matatanda o adult ang nasa mindset at ang highschool oo tama mas masaya nga siguro dahil siya yung nasa middle nang pagiging bata at pagiging matanda. Sa buong pag aaral ko ng elementarya ilang school na ang napuntahan ko at napasukan bago ako nakagraduate, ilang tao na din ang nakilala ko at nakasalamuha minsan nga hindi kona matandaan. At itong highschool, pang apat na lipat kona ito ng paaralan, kahit may magustuhan ako hindi ko nililigawan, bakit? Ano namang mapapala ko at mapalala niya maghihiwalay din naman kami at aalis din kami, masasaktan lang at aasa. Kaya naman inilagay kona sa mindset ko na tatapusin ko muna mag aral bago ako manligaw at mag asawa ng sa ganuon hindi niya danasin ang buhay na dinadanas ko ngayon, Masaya naman dahil para akong isang manlalakbay oo ganuon na nga pala yun, manlalakbay.. , kaya lang nakakapagod din, wala kang permanenteng tirahan. I don't have anything to call my own, even my heart can find a place where it belongs and will stay to be so called "home!" * * * Cebu, bacolod,Pampanga, nueva ecija, ilocos norte, bulacan, Ngayon naman "Welcome to laguna" naka halukipkip na minasdan ni aldrew ang mapa na nasa harapan niya. Panibagong lugar, sa parte namang ng south luzon ang punta nila ngayon. "Wow..kuya ang ganda dito no, ang sarap ng hangin!" Pinagmasdan ko ang nakababata kong kapatid habang nilalanghap niya ang sariwang hangin habang nasa biyahe kami papunta sa bago naming tirahan! Panibago ulit! Haist..kulang nalang malibot ko ang buong pilipinas kaka lipat namin ng bahay! Ang sarap talaga maging bata wala kang problema kundi kakain, maglalaro at matutulog, hindi nila alam ang salitang "Responsibilidad" At hindi din sila responsable sa maraming bagay. Hindi kona mabilang kung ilang lugar na ang aming napuntahan lampas na sa sampung daliri ko, o baka sa numero ng kalendaryo. Pakiramdam ko nga minsan manlalakbay na kami e. Sa halos limat at kalahating oras ay nakarating kami sa sta. Fe sa sa bayan san pablo dito sa laguna, isa itong maliit na baranggay, ngunit mukhang masayang manirahan dahil approachable ang mga tao. Mababait na kapit bahay, at maaliwalas na paligid. Ang sarap mag inat at pagmasdan ang berdeng paligid, mukhang kakatapos lang ng ulan sa lugar na ito dahil mamasa masa pa ang ilang dahon ng halaman. Matapos kung tulungan sina inay at tatay sa pagbababa ng mga gamit mula sa isang truck na ginagamit nila sa construction ay nananghalian kami ng sabay sabay. Saka kanya kanyang pahinga sa papag na nasa labas ng bahay, doon ako naglagay ng unan at nahiga, dahil may mga puno ay sangga nito ang init ng araw. Buwan ng setyembre..ber months na! Hahabol na naman ako sa school nito panibagong pakikibaka na naman sa buhay! Pero exciting nga yun kaya go lang aldrew. "Aldrew..!"napapitlag ako sa pagtawag ni inay hala gabi na pala bigla tuloy ako napabangon. Lumapit sa akin ang inay na natatawa dahil siguro sa pagkakagulantang ko. Naupo siya sa gilid ng papag. "Bakit po inay, gabi na pala napasarap ang tulog ko pasensya na ho kayo, si tatay?!"usisa ko "Ayos lang nakakapagod naman talaga sa biyahe, tulog na din ang tatay mo maaga pa iyon bukas, ginising kita para kumain ng hapunan at sa loob ka matulog dahil masirino dito baka sipunin ka!" Sabay abot sa akin ng kutsara napatawa naman ako at tumalon sa papag saka tumungo sa kusina na may nakahain na ngang kanin at ulam na pritong isda at gulay na bulanglang. "Kumain na po ba kayo inay?!" Tanong ko bago ako sumubo "Tapos na ako, siya nga pala bukas ay papasok kana ulit malapit lang pala ang eskwelahan dito lalakarin lang kaya makakatipid tayo!" "Talaga ho inay ayos yun, teka paano nyo nalaman?!" "Yung kapit bahay natin doon napasok nakausap ko kanina kaya sasamahan ka niya bukas, ako naman ay mag hahanap ng pwedeng trabaho..!" Nilingon ko ang inay na nasa kabilang kwarto na pero nagsasalita pa din, kwarto ko daw iyon at inihanger niya ang uniporme ko, naplantsa na din ang tagal ko atang tulog ah. Ang dami na nilang nagawa. "Ako na ang magliligpit naan, pumasok kana pagkatapos mo ha..!" "Opo..inay!" Inilapat ko ang aking likod sa manipis na kutson na kutson ko pa hindi ko alam kung kailan pa namin binili. Ang sarap sa pakiramdam na ihiga ang pagod sa maghapon, iniunan ko ang aking magkabilang braso. "Crisiens academy! Anong klaseng school ka kaya?!" *** "Kringggggg...." "Lunch time tara sa canteen..!" "Tara, tara, lets go girls..!" "Hoi bilisan nyo uuwi pa tayo..!" "Ayan na ligalig mo talaga kahit kailan..!" Tumunog na ang orasan sa eskwelahan na nagsasabing lunch na, awasan na, uwian na, yung malalapit umuuwi, yung malalayo hindi na nagbabalot na lang o di kaya kumakain sa kanten ng school o kaya sa labas kahit saan pero sila ay sama sama, grupo, grupo pero ako, mag syota, o kaya ay nagliligawan. Ako naman eto na naman ako naglalakad papunta sa canteen mag-isa, dami ko nakikita na mag-jowa. Napapalabi nalang ako. I sigh, while walking paano fourt year nako pero boring pa din ang life ko, tapos wala pa akong friends kase naman ang hirap maghanap ng bestfriend, i have one but matagal na ng huli ko siyang nakita kinder pa ako, hindi ko nga alam kung kilala pa niya ako o naalala pa niya ako. Sa bagay ayoko naman makipagclose kase sus sabi ko nga mahirap humanap ng bestfriend. Tapos nasa higher section pako, puro competition lang palage, patalinuhan, pataasan ng grades, pabonggahan. "Ate, anu po ang sayo?"nagising ako sa daydream ko sa tanong ng tindera sa canteen. "Ahmm..dalawang rice and eto porkchop, tapos isang mineral water yun lang thank you." Mag isa ako kumakaen sa table at meron naman akong mga friends na bumabati sakin, matapos ko mag lunch nagpunta ako sa cr para magretouch polbo, lipgloss at ayos ng ponytail ko, i look my reflection sa salamin na kaharap ko haist panget ba ko? Tanong ko sa isip ko na ala kong wala namang sasagot, tapos inayos ko side bangs ko at salamin sa mata, nasakit kase mata ko kapag mainit ang araw pang depense, ito rin siguro ang dahilan baka napagkakamalan nila akong weird o parang si ms.minchin kay princess sarah, pero hindi naman pang mukhang kontrabida sa pelikula ang itsura ko. Isang oras ang lunch break, naka 45 mins ako sa paglulunch anu pa bang aasahan edi pamatay oras ang pagkain ko tapos laro ng cellphone. Nakikikonek sa ng wifi ng canteen, ayon lang mdalas ko ginagawa. At eto nga pagtingin ko sa wrist watch ko 10 mins nalang mag titime na kaya katulad ng araw-araw kong ginagawa after ng cr diretso nako ng room. Kahit mainit ang panahon ok lang kase nasa tapat ako ng electricfan at bintana, ops bakante na naman pala ang katabi kong upuan paano nagdrop out siya, yung nauna sa nag drop out huminto sa pag-aaral, tsk.. .....kringgggg... Sakto lang ang pag upo ko dahil siya ding pagtunog ng Orasan ng school, strikes 1 pm start ng class..sa hapon! Ayan na at nagpasukan na ang mga student, sus karamihan ay maarte, at mayabang paano kundi may kaya sa buhay e matatalino, ako aba ewan matalino siguro ako kaya napasama ako sa section nato. Kasunod ng magugulo kong kaklase ay ayan na ohh ayan na pumasok na si maam tolentino, ang strikta naming guro pero mabait. Pag nasa labas ng classroom. ops aba may kasamang lalaki, nakauniporme din itim na slacks, white polo at white shirt sa loob, kung titingnan ko halos mataas lang sya sakin ng konti, medyo maputi at hindi sya ng gegel o wax sa buhok, studyante ba sya o anak ng teacher namin mukha kaseng bata pero naka pants naman. Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ko sya sa unahan. Umayos ako ng tayo ng magsalita si mam tolentino, kita kase ako e kapag hindi ako umayos dahil pangatlo ang upuan ko sa animang row, at apatang hilera ng upuan. "Good afternoon class..gising pa ba kayo?" "Good afternoon, maam opo gising pa po"..tugon naming mga studyante. "Very good!" Dahil dyan, ok may transfer student nga pala tayo, lumipat sila dito sa lugar natin kaya dito na sya mag-aaral, ok, mr. Aldrew alonzo introduce yourself, go on.!".iniaya pa ni maam ang kanang kamay sa unahan ng table niya. Humakbang sya ng pauna kapantay ng table ng guro namin, matikas syang tumayo, ngumiti sya bago nagsalita dahilan para makita ko ang biloy nya sa kaliwang pisngi. "Good afternoon classmates, ako nga pala si aldrew alonzo, 15 nako at bagong lipat lang kami dito, pwede nyo ko tawagin na al, or bahala kayo basta ok lang sa akin yun..sana maging kaibigan ko kayo laHat yun lng salamat poh, salamat poh maam." Ngumiti si maam sa kanya, mukhang nagiliw agad sa kanya. "ok, oh class be good to him ok..lets see, saan pa ba bakante, ayon sa tabi ni ms. Leirry angeles kana maupo wala na nakaupo dun.."sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko, napatingin din naman ako sa itinuro ni maam. dumiretso sya sa tabi ko na bakanteng upuan, ang bango naman nya, ngumite sya sakin ng makitang nakangite ako, wala syang dalang bag, binder lang. Naku mukhang tamad din ang isang to sa loob loob ko. Ilang subjects na ang dumaan pero tahimik sya ahh, kapag kinakausap sya kung anung tanong ayon lang ang sagot nya, o baka nahihiya lang dahil bago pa lang pagkatapos kapag tumagal na e doon na lalabas ang ugali at pagiging mahangin at mayabang, pero infairness matalino sya kaya pala dito sya napasama sa klase namin. Magaling din syang magsalita. Napapahanga nya ko sa totoo lang. *** "Nakakapagod ang unang araw ko sa klase!" "Bakit naman, alam mo masasanay ka rin makipagsabayan sa kanila tamo sa akin nga e nakikipagsabayan kana.!"ani jojo sa akin habang naglalakad kami pauwi. Tama si inay malapit lang sa bahay ang school. Madali akong nakakauwi at nakakapasok! May bagong na din agad akong kaibigan at iyon ay si jojo, kwela din siya at pala tawa parang ako lang. "Kumusta yung katabi mo?!"tanong ulit niya "Huh! Ah siya a-yos naman siya kaso hindi ko kinakausap!" Sabi ko dahil iyon naman ang totoo isa pa ayoko din siyang kausapin hindi sa ayaw ko, nahihiya lang ako babae kase yun. "Hindi ko kinakausap, Tahimik kase baka mataray!"dagdag ko pa kaya tinawanan lang niya ako. "Mabait yun,may pagka weird lang, pero mabait! Matalino din diba! Ohh baka naman may napupusuan kana agad sa mga ka klase natin!"tukso sa akin ni jojo na baliw, pero masarap kasama. Katulad ko, sanay din siyang magtrabaho kaka transfer lang din niya last year parang ako naka ilang lipat na din siya. Ang tanong lang ay kung hanggang kailan pa kami dito. Hindi ko masabi, mahirap na! Kanina bago ako pumasok ay napansin kona yung katabi ko na iyon, may pagka weird nga sya dahil mag isa siyang kumakain sa canteen, lumalakad mag isa, kahit may mga kaklase naman siguro niya yun na nag aaya sa kanya. Tutok lang sya sa cellphone niya, pero mukhang masaya sa ganuon. Kung titingnan ko, hindi naman siya looner, parang hopeless romantic lang dahil sa pag simangot niya kapag may nakikitang mag syota, natutuwa akong pinapanuod siya habang naghihintay ng 1 pm, para sa klase na babagsakan ko. Coincidence lang kaya na kaklase ko pala siya. Haist.. Ang ganda ng buwan, buti pa siya walang problema kundi lulubog at lilitaw sa gabi, pero anduon pa din sa posisyon na iyon hindi nagbabago, hindi naalis. Kailan kaya mangyayari na pipirmi kami sa iisang lugar lang. Na magiging steady ang work ni tatay, alam kong napapagod din siya. "Anong iniisip mo dyan?!" "Wala po inay, iniisip ko lang kung magtrabaho kaya ako kapag sabado at linggo wala namang pasok iyon para matulungan ko kayo?!" "Tumigil ka dyan bata ka, pag aaral ang atupagin mo, alam mo kapag nakatapos ka may magandang trabaho kang makukuha, kapag hindi ka nakatapos wala kang trabahong makukuha, mas kawawa ka kaya kung gusto mo kaming tulungan, ayusin mo ang pag aaral mo!" May punto si inay. "Sige po inay, huwag na kayo gumawa at gabi na po matulog na kayo!" "Maaga pa, ako na ang maghihimpil nitong mga pinagkainan kanina!" "Sige po inay, tulungan kona kayo..!" "Kumusta ang unang araw mo sa school?!" Napangiti ako ng hindi ko namamalayan sa tanong ni inay nalaman ko lang dahil sa kakaibang tingin na ibinato niya sa akin. "Ba..bakit ho?!" "Abah, ay nakita kong ngumite ka sa tanong ko, may masaya bang nangyari anak? Ay sus..anong nangyari magkwento ka!"nakangiting sabi ni inay kapag hindi ako nagkwento tiyak na kukulitin niya hanggat hindi ko sinasabi. Ganun kami kaclose ni inay dahil palagi kaming magkasama sa bahay si tatay kase ay palaging wala at gabi na nauwi dahil sa trabaho sa construction. *** Pabagsak akong nahiga sa kama ko matapos ang hapunan alas sais na kami nakapag hapunan gabi na kase dumating si papa, "Ang suplado naman niya!" Pairap sa ere kong nasabi iyon, "Pustahan tayo ilang araw lang lalabas ang tunay na ugali mo, aldrew alonzo!" Para akong timang na kausap ang sarili sa kwarto. Nang maalala kong may assignment nga pala kami, kinuha ko ang notebook at libro sa bag ko. Binuklat iyon. "Tamad din siya malamang, tsk!" Haist..bakit ko ba siya iniisip! Tsk. Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong dinorowing ko pala siya. "Hala..anu ba yan! Aldrew alonzo bakit ka nagpunta sa notebook ko..ikaw talaga.!" May girlfriend na kaya siya, meron, wala, meron,wala, meron Wala? Para akong sira na natawa mag isa dahil sa kakapunit ng piraso ng papel para tanungin kong single siya o taken. Haist asa pa ako na magugustuhana ko nun, haist leirry wala kana talagang pag asa malamang na magiging old maid ka, walang nanliligaw sayo, walang may gusto sayo, kawawa ka naman! Yung iba ang haba haba ng pila ng suitor ako wala as in "ZERO...!" *** ..#Is it love?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Addicted To You (TAGALOG)

read
386.8K
bc

Sexytary |SPG|

read
563.8K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
862.5K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.4K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook