Bitbit ko sa may braso ko yong wool coat na hinubad ko kanina sa eroplano habang pababa na sa hagdan. Ramdam ko ulit ang katamtamang init galing sa araw. Kaya medyo nagigising ako lalo. Walang lingon akong sumakay agad sa kotse na naka-handa para sa'min ni Maetel. Hindi ko sana siya hihintayin at sasabihan yong driver na umalis na kami sa hiyang nararamdaman kung hindi ko naalala na patient pala ang kasama ko. Ilang ko siyang sinulyapan ng maka-upo na siya sa tabi ko. Isinarado ni Maetel ang pintuan ng sasakyan at naramdaman ko na ang pag-andar ng kotse. Tumikhim ako ng isang beses habang nakatutok sa labas ang paningin ko. Medyo nababagabag parin ako sa naging panaginip ko. I feel an ominous about it. Ang creepy lang dahil natutuwa ang nararamdaman ko ng makitang kong nakalundasay

