Chapter 1
"Help me.." The lady said helplessly. I tried to talk but I can't. All I can do is to watch her, she's crying and full of blood on her body.
I tried to walk from where she was standing at, but I can't. I saw how she tried to run away from something or someone.
Gusto ko siyang tulongan ngunit wala akong magawa kundi tignan at paulit-ulit na sumisigaw sa isip na sana ay makaligtas siya.
Napatakbo siya sa gawi ko at habang papalapit siya sa akin ay nagulat ako sa nakita ko ng namukhaan ko yong babae. A girl who really looks like me, full of tears on her cheeks and there's stain of blood.
Nang makalapit siya sa'kin ay sumunod naman na nakita ko yong tao na humahabol nito, isang lalaki yong pangangatawan at mayro'ng bitbit na baril at nakatutok ito sa'kin.
Sa akin talaga! Akala ko sa babae na kamukha na hinahabol niya kanina lang pero tila isa akong kaluluwa na nakatayo at tumagos sa'kin yong babae na walang kahirap-hirap.
Wala man lang akong naramdaman ng kahit ano nong tumagos siya sa'kin.
Nakita kong tumigil sa kakahabol yong lalaking walang mukha sa babae na tila naglaho bigla na parang isang bula.
Huminto ito sa may harapan ko at nakikita ko kung pa'no nito ikinasa yong baril at pagkatapos ay itinutok ito sa'kin.
Nakita kong bahagya niyang kinalabit yong gatilyo ng baril kasabay non ang may kalakasan na tunog galing nito. Alam kong ako talaga yong gustong tamaan niya kaya mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Bago pa man ako tamaan at makaramdam ng sakit galing sa bala ay bigla akong natumba sa kinatatayuan ko at nagising.
Mabilis akong napabalikwas sa kakahiga na tila galing ako sa isang pagka-hulog na hindi ko masyadong mailarawan ng mabuti.
Isang bangungot lang pala ang lahat na agad kong pinagsasalamatan. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Puno ng pawis ang mukha at katawan ko. Habol ang hininga at naramdaman ang pamimigat ng katawan. Hindi parin ako kumakalma sa mga nasaksihan ko sa panaginip.
Ilang minuto ang lumipas ay unti-unti na akong kuma-kalma at napansin ko ang tumutunog na alarm clock ko na nasa side table.
Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko na tila galing sa kakatakbo na may kalayuan.
Mabilis kong pinunas yong pawis na unti-unting tumutulo sa may sentindo ko.
Pagkatapos ay tuloyan na akong bumangon at nag-stretching ng konti. Para naman mawala yong pamamanhid ng katawan ko dahil sa maling pag-higa ko kagabi. Nag-mala gymnastics pa naman ako sa kama sa sobrang malikot matulog. At upang na rin para mas lalong maka-get over yong buong katawan ko sa nangyari.
Pagkatapos kong mag-stretching ay inayos ko naman ang kama ko at pumasok na ng banyo para makapaghanda na. Ramdam ko na kasi ang panlalagkit ng buong katawan ko galing sa sobrang pawis.
Binuksan ko na yong shower na mayro'ng katam-tamang temperatura. Hinubad ko lahat ang mga saplot ko at naligo.
I can feel the ease of my body after from the long tension.
Hindi naman ako masyadong nagtagal sa pag-ligo dahil baka mahuli pa ako sa trabaho ko.
Pinatay ko lang yong shower at pagkatapos ay lumapit sa may malaking salamin sa harap ng sink para mag-toothbrush.
Nakikita ko sa repleksyon ko mula sa salamin ang mga mata kong mayro'ng bitbit na bag. Medyo nagpuyat rin ako kagabi tapos nadagdagan pa sa stress dahil sa bangungot.
Pagkatapos kong magsepilyo ay itinungo ko na yong walk in closet ko para magbihis. Tamang-tama rin sa paglabas ko ay nakita ko ang ipinadalang mensahe galing ng Personal Assistant ko na si Mary.
'Good morning Miss Tina, I'm on my way na po.' text niya sa'kin. Tanging 'okay' at 'ingat' sa byahe lang ang isinagot ko. At pinag-patuloy na ang paghahanda.
Nagsuot lang ako ng floral dress na kulay itim na mala-korean 'yong style. Pinaresan ko rin ng white stilettos ang suot kong dress.
Bahagya kong kinulot 'yong ibaba ng buhok ko na lampas may dibdib ko ang haba. Naglagay lang ako ng hair clips na hugis laso at mayro'ng mga maliit na diamond beads na artificial lang sa may side bangs ko. And I just also put a light make up on my face para hindi halatang puyat ako kahit papano, medyo namumutla rin kasi ako.
Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto. Dumating na rin si Mary at dahil hindi naman ako sanay na mag-agahan ay umalis na rin kami. Bitbit ko ang libro na kinuha ko kanina sa may side table ko, habang nakasabit naman sa may braso ko yong black purse ko.
Sumakay na kami ng elevator at bumaba na sa basement, kung nasa'n 'yong parking lot.
Pagkarating namin ay nakita ko agad ang driver na maghahatid sa'min. Binati niya ako at pagkapos naman si Mary. Binati ko rin naman pabalik kasi hindi naman ako pinanganak na cold at ma-attitude na tao. Baka sasakit na naman 'yong singit ko kay Mama kapag nalaman niyang lumaki akong walang modo.
"Miss, your schedules for today is after po sa dalawang scenes, you have a contract meeting about of your upcoming photo shoot sa isang brand po. And also today is your dental appointment. Lastly, Mayro'n reunion gathering po kayo with your friends po, tonight." Pagsasalita agad ng Personal Assistant ko ng makasakay na kami ng kotse.
Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse. At dahil ayaw ko namang ma-bored sa byahe ay binuksan ko na ang dala-dala kong libro kanina.
"Okay." maikli ko lang sagot bago nagsimulang basahin ang libro.
Naiisip ko lang na hectic na naman sa araw na ito ay ramdam ko na ang pagod. At dahil gusto ko rin naman ang ginagawa ko ay ayos lang.
I was already busy myself from reading the book that I just bought or should I say may PA brought for me from the National Books Store yesterday. Isa kasi ito sa best selling ngayong taon at dahil gusto ko rin naman yong genre ay hindi na ako nag-pahuli pa at bumili na bago pa maubosan ng copies.
Kagabi ko pa itong na-simulan basahin, pagkatapos kong magpractice sa mga script lines ko. At ngayon ko lang pinagpatuloy na basahin dahil kailangan kong maagang matulog kagabi. Pero nakatulog parin ako ng madaling araw dahil hook na hook talaga ako sa kwento.
Kung hindi lang talaga masyadong hectic yong schedule ko ngayon at pwede akong magpuyat ay baka natapos ko na ito kagabi pa.
Habang nagbabasa ako at sobrang aliw na aliw ay hindi ko na nagawang pansinin pa ang nakakapaligid sa'kin.
Plano ko talagang taposin ito ngayong araw. Kung maaari ay bago palang ako makarating sa location ng sets. Kapag natapos ko talaga 'to at nagustohan ko yong ending, tiyak na mas gaganahan pa akong magtrabaho ngayon.
Bahagya akong napalunok ng laway ng ramdam ko na 'yong intense sa binabasa ko. Medyo nagulat ako dahil nakalimutan ko na R-18 yong libro kaya medyo hindi ko inaasahan na may bed scene akong nababasa.
Naramdaman ko tuloy 'yong pamumula ng pisnge ko. Hula ko namumula na tila kamatis na 'to.
"Ayos kalang, Miss Tina?" may pag-alalang tanong ng PA ko ng napansin siguro yong pamumula ko.
"Oo. Medyo naiinitan lang." sagot ko habang pilit tinignan siya para maipakitang ayos lang talaga ako.
Mabilis niyang sinabihan yong driver na paki-lakasan yong air-conditioning ng sasakyan.
Kahit kailan napaka-attentive talaga palagi nitong si Mary.
Actually, Mary was my Nanny's only daughter, and I'm just a year older than her. Close na kami noong bata palang kami hangga't napagpasyahan niya na samahan niya ako makamit ang mga pangarap ko. Iyong una ay pinipigilan ko talaga siya at gusto kong abotin niya ang mga pangarap niya pero sa sobrang katigasan ng ulo ay wala na akong magawa pa.
Medyo nai-ilang pa ako kapag tinatawag niya akong 'Miss' kaysa yong nakasanayan kong tawag niya sa'kin ay 'Ate'.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan 'yong nagbabadyang gustong kumawala na ngiti sa mga labi ko. Pilit ko rin kino-kontrol ang ekspresyon ko lalo na't hindi lang ako mag-isa sa loob ng sasakyan. Napaka-observant pa naman ni Mary.
Sa sobrang aliw sa pagbabasa huli ko ng napansin yong hindi inaasahan na pangyayari na magiging dahilan kung ba't tuloyan ko ng hindi na natapos 'yong libro.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Tila sa isang iglap, naramdaman ko nalang ang pamamanhid ng buong katawan ko. Liyong-liyo ang naramdaman at pini-pilit na manatiling nakabukas ang mga mata ko.
Bahagya kong hinanap si Mary na siyang katabi ko kanina, at kahit nahihirapan na panatilihing nakabukas ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakapikit, duguan ang buong mukha , at walang malay. Hindi ko na rin makita yong driver sa sobrang pagkasira ng sasakyan.
Sinusubokan ko siyang abotin kaso naka-ipit ang mga kamay ko. Kaya bigo ako na nakatingin sakaniya habang hindi maalis-alis ang sobrang pag-alala.
Hindi ko parin masyadong maintindihan ang mga nangyari. Pero kita ko ang mga basag glass galing sa sasakyan na nagkalat habang unti-unti itong nababahiran ng dugo.
Nang tuloyan ng pumasok sa isip ko ang nangyari ay napansin ko nakabaliktad kami. At ang puno't dulo nito ay dahil sa mayro'ng nakabangga sa sinasakyan namin at dahil na rin sa malakas na impact ay tumilapon ang Van at nag-paikot-ikot ito hanggang mawasak ng sobra.
Nararamdaman ko na ang antok, unti-unti na ring bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko.
Ramdam ko ang pamimigat sa puso ko at tila kinakapos na ako ng hininga.
Bago ako tuloyan mawalan ng malay. Nakita ko pa ang libro na binabasa ko na kanina lang ay malinis ang mga pahina ngayon ay unti-unti ng nababahiran ng dugo at dumi.
Shit! I'm doomed.
Mas mauunang matapos pa yata 'yong buhay ko kaysa sa binabasa ko.