Chapter 2

1835 Words
"Ms. Tina.. Tulongan niyo po a-ako." I saw my Personal Assistant's standing and looking at me with pleading on her eyes, habang puno ng dugo ang buong katawan. I feel so terrified watching her desperately for her life that even makes me feel the pain through her voice. Ramdam ko ang panginginig at ang panlalamig ng buong katawan ko. Malalaki rin ang butil ng pawis ang tumutulo sa noo ko na tila ilang segundo ay mawawalan na ako ng malay. Ngunit mas nilakasan ko ang loob ko at kahit na walang tigil ang panginginig ng buong katawan ko ay sinubokan ko parin i-abot ang kamay ko sakaniya. Pero sa tuwing pinipilit kong abutin ang kamay niya ay palaging bigo ako. Tila ba na may humahadlang o pumipigil sa'kin na mahawakan siya. Hanggang sa unti-unting mas lumalayo ako sa kinatatayoan ni Mary. I was helplessly watching her hanggang nawala siya sa paningin ko. Kahit alam kong malabo ng maabot pa siya at makita pa ay hindi ko parin ibinaba ang kamay ko. Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ramdam ko ang lamig na butil ng pawis sa katawan at mukha ko ng magising ako mula sa bangungot. Naramdaman ko rin ang mabigat na pag-hinga at pilit na hinahabol ang hininga. Napansin kong nakataas parin 'yong kamay ko na para bang may pilit parin na abotin. At pagkatapos ay naramdaman ko ang maiinit na likido na walang tigil sa pag-agos sa may sentido ko galing sa mga mata ko. Bigo kong ibinaba ang kamay ko at pagkatapos ay doon ko palang naramdam ang pananakit ng ulo. Mas lumala yong sakit ng ulo ko ng makita ang hindi pamilyar na kisame. Naramdaman ko ang kaninang kumakalma na puso ay nagsisimula nang tumibok ng mabilis. Mabilis akong bumangon sa kakahiga. At inilibot ang paningin sa paligid. Mas kinabahan pa ako ng sobra dahil hindi pamilyar sa'kin ang lahat na nasa silid na 'to. Wala akong oras na inaksaya pa at hinanap ko na agad ang bag ko para tawagin si Mary o ang mga magulang ko na nagbabasakali na alam nila kung nasa'n ako. Pero hindi ko man lang makita at pati damit ko na suot ko kanina ay iba na. Nakasuot ako ng isang puting roba. Napansin ko rin ang naka-kabit na swero sa kanang kamay ko. Nakikita ko ang mapulang dugo na binabahiran ang malinaw na puting likido dahil sa biglaang agresibo na pag-galaw. Pinilit kong pinapakalma ang sarili dahil nararamdaman ko yong pananakit ng kamay ko dahil ramdam ko na tila hinihigop yong dugo ko. Mariin akong pumikit ng napagsyahan kong alisin at hilahin yong swero. Nakaramdam lang ako ng konting sakit pero kalaunan ay umaayos na rin at hindi katulad kanina na tila sumasabay sa pagpintik ng puso ko yong sakit. Na-agaw ang atensyon ko sa labas ng malaking window glass. Bumungad naman agad sa'kin ang isang malawak na karagatan at mayro'ng mga puno sa hindi kalayuan. Habang tinitignan ko ang nasa labas ay mabilis kong napasapo ang ulo ko ng biglang sumagi sa isip ko ang nangyari. Naalala ko na nasa kotse ako kasama si Mary at yong driver habang papunta ng location ng set. Aliw na aliw sa binabasang libro at pagkatapos ay biglang nakaharap ang isang aksidente hanggang sa dumilim na ang paligid. Si Mary, dugo, usok, libro at sirang sira na kotse ang huli kong nakita bago mawalan ng malay. Naramdaman ko ang tila binibiyak yong ulo ko sa sobrang sakit nito kaya napasapo ko ito. Napabaling lamang ulit ang atensyon ko ng marinig ko ang marahan na pagpihit ng doorknob sa kwartong 'to. Sa sobrang gulat at takot ay mabilis akong humiga ulit at nagku-kunwaring tulog. Baka ano pa ang gawin sa'kin sa taong pumasok kapag nakita akong gising. Hindi ko pa naman alam kung sino o anong klaseng tao ang nagdala sa'kin dito. Hindi ko magawang agad na magtiwala sa taong makikita ko ngayon dahil sa hindi pag-dala sa'kin sa hospital ay nakakapagtaka na. Pagkatapos kong ayosin ang sarili sa kakahiga ay tamang-tama rin naman na narinig ko ang pagbukas ng pintuan at tuloyan na-activated 'yong acting skills ko. Hindi na bago sa'kin ang magtulog-tulogan lalo na't hindi maiwasan na may ganitong scenes ako kaya perpekto at kabisado ko na ito. Marahan ang pag-hinga ko, tila kalmado na natutulog lang pero naka-alerto ang isip at katawan ko habang pinaramdaman ko yong paligid. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na mayro'ng papalapit sa kama na kina-hihigaan ko ngayon. Sigurado akong hindi lang ito isa kundi higit pa. "She really looks like her." I heard an unfamiliar voice yet I can still sense the coldness on his tone that giving me a chills. "How is She? Why she's still not regaining consciousness?" sunod nitong ani. "She's stable now. She's only had a minor injuries and the healing process was going smoothly. And it was cause of exhaustion why she still unconscious until now." ani ng isang lalaki na halatang may katandaan na sa boses nito. "Make sure that she will wake up today or I will put you in a deep sleep without waking up again. You knew I am running out of time. So, do your f*cking job well." ramdam ko ang babala at delikado sa boses niya. Tila nag-echo pa sa tainga ko ang boses nito. Nanigas ako sa kinahihigaan ko sa sigaw niya at muntikan na mapa-igtad dahil sa gulat, mabuti na lamang ay agad akong nakabawi. Kumabog ng malakas ang puso ko, sa sobrang lakas ay halos maririnig na nila. Kaya pigil hininga na akong nakinig sa mga pinag-uusapan nila pero lumipas ang ilang minuto ay wala na itong kasunod pa. Maliban ngalang sa ingay ng mga footsteps na tila papalayo na sa gawi ko at hindi nagtagal ang sumunod naman yong tunog ng pagbukas at pagsira ng pintuan. Binuksan ko lang ulit 'yong mga mata ko ng nasigurado kong wala na sila at wala na akong naririnig pa. "How weird." I mumble Marahan akong bumangon at napabuntong hininga na lamang. Sinasapo ko pa 'yong puso ko gamit ang kaliwang kamay ko habang pilit pinapakalma dahil sa sobrang bilis at malakas na pagkabog nito. Tinignan ko ang kanang kamay ko ng hindi halos maramdaman dahil sa pamamanhid nito. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang pinansin yong dugoan na swero sa tabi ko. At hindi man lang ginamot ang dugoan kong kamay. Pero dapat na rin ako matuwa dahil hindi ako nabuking sa pagpapanggap ko. Hindi ko alam kung na saan ako ngayon pero alam kong hindi ako ligtas dito. At kanino kaya ang mga boses na naririnig ko kanina? Ano ba talaga ang pakay nila sa'kin at bakit nila ako dinala dito? "I need to get out here as soon as possible." I murmured. "So, you're awake after all." A sudden voice makes me almost jump from the bed. Kung hindi lang talaga ito king size bed baka kanina pa ay nahulog na ako sa gulat I feel so horrified from a sudden voice in front of me. Hindi ko man lang napansin na mayro'ng tao don. And the worst part is I was busted from my acting. Isang matalim na tingin ang sumalubong sa'kin ng sinubokan kong tignan ang nagma-may-ari ng mapanganib na boses na iyon. Hindi lang pala sa boses yong may bahid na mapanganib kundi buong mukha at pangangatawan niya ay sumisigaw ng panganib at delikado. Mabilis kong iniwas ang tingin sakaniya at yumuko. Napansin ko ang may bahaging dibdib ko na nakatambad dahil sa nagulo na pagka-ayos yong roba na suot ko. Mabilis ko itong inayos at pagkatapos ay napakaunot noo dahil naramdaman kong walang ni-isang saplot na suot ang nasa ilalim ng roba ko. To make it sure my hunch, I tried to pull a little hem from the robe that I am wearing. I almost gasp when I saw that I'm not really wearing anything aside from the robe. What the heck? Sa sobrang gulat ko ay nawala pa sa isip ko na may tao palang nakatingin sa pinanggagawa ko kaya mabilis na tinabunan ako ng hiya at pamumula. "Look at me." malamig ngunit may panganib niyang utos. Ayaw ko mang gawin ang sinabi niya pero dahil gusto ko pang mabuhay ay marahan akong tumingin sa gawi niya kahit namumula ako sa kahihiyan. Halos mahigit ko pa 'yong hininga ko dahil sa sobrang kakisigan at ang kagwapohan nito. Nakakasilaw ang ganda nito pero manyak 'ata. Major turn off pa naman sa'kin iyon. Hindi ko alam ang rason kung bakit idinala niya ako dito kahit hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko. At tanging mayro'ng masasamang balak lang ang gumagawa nito. Sa itsura niya pa lamang ay sumisigaw na ng manyakis. Kahit na sabihin pang 'don't judge the book by its cover' pero hindi parin ako magpapaloko dahil lang sa gwapo ito. I clench my fist, while looking at him intently. And I can't help to describe his almost perfect features. He has a button types of nose. Makakapal na kilay. A deep gray eyes. A thin lips that has a natural stained of red. He has also a strong and rectangle jawline. Mas lalo pang dumepina 'yong kagwapohan niya dahil sa side part na buhok. And lastly his body built was a mesamorph type na halatang alagang gym. Nasa may kaliwang hita niya naka-patong 'yong kaliwang kamay niya. Habang may bitbit naman 'yong kanang kamay niya na isang mamahalin na rock glass na may tequila. Ang tapang niya siguro na handa kang ipaglaban sa kahit ano dahil walang yelo yelo 'yong tequila niya. Connect? Now, I was starting to argue with my inner self. "Enjoying the view?" He said sarcastically and smirk. "Yes." wala sa isip kong sagot. Pero agad naman akong natauhan at agad na binawi 'yong sagot. "Where Am I?" Pagpapalit ko ng topic. "House." walang emosyon naman nitong sagot. Hula ko pinaglihi ito sa sama ng loob kaya sobrang tipid ng emosyon na ipinapakita. "Kita ko nga. I mean, bakit nasa bahay mo 'ko or who knows kung kaninong bahay ito? Dapat nasa hospital ako ngayon after the incident. And Why I am fully naked?" nagugulohan kong tanong. Pero si kuya niyo, naging mute kasi hindi sumagot. "....." Parang ginto naman ang lumalabas na mga salita sa bibig nito kaya siguro maikli parati 'yong sagot. "Ito nalang, ano ang ginagawa ko dito?" pinipilit kong pinapa-haba ang pasensya ko sa lagay na 'to. Feeling ko kasi sinusubok ako nito. "You look like her." tipid parin nitong sagot. "Huh?" nagugulohan kong ani habang naka-kunot na ang noo. "Manyak ka ba?" wala sa sarili kong tanong, kusa kasing lumabas sa bibig ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at takot na tinignan siya. "What the f**k?" pagmumura niya at hindi makapaniwala sa narinig. I saw how he's slowly losing his patience. Bahagya niya pang hinihilot 'yong temple niya. Nakita ko rin ang pagkasalubong ng mga kilay niya. At matalim na tingin ang ipinukol sa'kin na kung nakakamatay lang talaga ay baka kanina pa ako nilalamayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD