"Are you dumb?" nauubosang pasensya niyang tanong.
Ako pa talaga 'yong dumb. Siya nga 'yong walang kwentang kausap dahil hindi nagsasalita ng maayos.
"Hindi. Ikaw nga diyan. Walang kwenta na ngang kausap, manyak pa." mahina kong ani.
Tila tuloyan ng naputol ang tinitimpi niyang pasensya at biglang may hinigit na lamang sa likod niya na agad na nagpanginginig sa buong katawan ko.
Agad kong itinaas ang dalawang kamay ko na parang sumu-surrender. Ramdam ko yong tumutulo na pawis ko sa noo kahit malakas naman yong air-conditioning dito.
"Now tell me if you don't want to live anymore and I'll granted your wish." Malamig at nagbabanta niyang ani habang nakatutok parin sa'kin ang baril.
Sa loob ng takot at panginginig ay nakaramdam ako na tila hindi ito yong una na ginawa niya sa'kin ito.
"No...I'm just kidding. And put that gun down please. I didn't mean to offend you and I am just really confuse why I am here because I supposed to be in hospital. And where's Mary? The driver? Are they still alive?" Sunod sunod kong tanong kahit pinipilit ko lang na h'wag mautal.
"I don't know." Maikli niyang sagot at pagkatapos ay linagok na niya 'yong natitirang tequila na nasa rock glass na hawak niya.
Sana pati yong rock glass linagok niya na rin.
At o' diba? Ang sarap niyang kausap. Mabuti na ngalang ibinaba na niya 'yong baril niya.
"Where's my things?" Hindi matigil kong tanong. Dahil hindi niya rin naman ako sinasagot ng maayos. Unti-unti na rin ako nauubosan ng pasensya.
Nakita kong kinuha niya 'yong cellphone niya at may tinatipa. Pero hindi rin naman nagtagal dahil agad niya rin tinapat sa may tainga niya. May tinatawagan pala.
Tahimik lang ako na tinitignan siya. Baka magbago ang isip niya at bigla akong barili bigla.
"She's awake." walang emosyon niyang sabi at pagkatapos ay mabilis niya rin ibinaba 'yong cellphone at pinatay 'yong tawag.
Wala man lang hello at bye. At isa pa hindi ba siya marunong mag-tagalog? Kanina ko pa napapansin na English ng English siya. Sumasakit na 'yong ulo ko at malapit na akong dugoin ng ilong.
Napabaling ang atensyon ko sa mga taong pumasok ng kwarto. May limang naka black suits na mala-Men in black at may bitbit pa na malalaking baril. May kasama rin sila na isang may katandaan na lalaking doctor na may suot na puting roba, sa hula ko ay siya 'yong narinig ko kanina.
Mariin na nakatikom ang bibig ko sa takot habang papalapit 'yong dalawang naka Men in Black sa gawi ko. Ngunit tumayo lang ito sa may tabi ng lalaking walang emosyon na nakatingin sa'kin. Habang 'yong tatlo naman ay nasa may pintuan, nagbabantay na baka tumakas ako.
Makakatakas pa kaya ako sa lagay na 'to?
"Check her again. She's might have some infection from her brain. She's so dumb." Pagsasalita ulit sa lalaking ito kaya inis ko siyang tinignan. Marunong rin ako ma-offend sa mga pinag-sasabi niya. Kaya mas mabuting h'wag na siyang magsalita kung walang kwenta parin naman lumalabas sa bibig niya.
"Excuse me, Ma'am." sabi ng doctor ng makalapit na sa gawi ko.
Tinanong niya lang ako kung ano ang nararamdaman ko. Tapos syempre sagot ko lang na maayos lang. Kahit sumasakit 'yong ulo ko dahil sa wala akong ka-ideya sa mga nangyayari o kung na'san ako?
"By the way, Why I am here?" hindi ko na mapigilan pa 'yong sarili ko na magtanong ulit.
"According from the one of those bodyguard's story that you're seeing right now, he said they saw you laying on the road while full of bloods and full of minor injuries on your body." malumanay na sagot niya.
Huh? Nakahiga sa daan? Hindi ba dapat nasa sasakyan ako?
"What do you mean by laying on the road? The last time that I remember before I lost my consciousness, when I was caught in a car accident. Where's Mary? How's the driver? How are they? I need to talk to Mary? Is there a news about me or about the incident?" sunod-sunod at nagugulohan ko ng tanong.
Bakas sa mukha ng doctor na tila gulat ito sa mga naririnig galing sa'kin.
"But you're only alone when they found you, Ma'am. And you were victim of hit and run." mahinahon nitong sagot.
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa naririnig ko.
"Anong hit and run? I was victim of car crush not hit and run. Where I am? Where's my belongings? I need to call my family. Baka nag-alala na sila sa'kin dahil sa nakita nilang balita." may bahid na inis na ani ko.
I saw how he was clueless from everything that what I've said.
"I think she've gone mad. We need to take her on mental hospital." bulong ng isang naka-men in black na rinig ko naman.
Matalim ko itong tinignan.
Siya kaya ang ipasok ko sa mental hospital. Akala nila nakaka-cool 'yong pagiging men in black nila.
"May I know what's your full name, Ma'am? We can't find any information about you and belongings of yours that can help to identify you. " malumanay na ani ng doctor.
Na-hold up ba ako para walang gamit ang natira na meron ako?
Kahit nagugulohan ay sumagot ako ng maayos.
"I am Faustina Villacorta, a full time actress and Austina Villacorta was my screen name.At hindi sa pagmamayabang ay sikat ako at kilala ng lahat. Kahit yong mga walang television pa nga ay kilala ako. Any ring a bells?" halos gumaragal ang boses ko sa kaba.
I saw the man in black shook his head. Tila ipinapahiwatig na wala itong nakuhang impormasyon.
Nakita kong may suot itong itim na earpiece. Lahat pala ng tauhan ng lalaking nasa harapan ko ang may suot.
"I never meant to offend you, I'm sorry Ma'am. But no one really knows you. We can't find any information about you. The result shows also that there's no one using a Villacorta for a surname. Can you tell me the things that you remember before the accident?"
I really have a bad feelings about this. At pa'no nila nalaman na walang gumagamit na Villacorta na surname, may gamit ba silang napaka-high technology para isahang search lang makikita agad kung sino o ilan yong mayro'ng Villacorta na surname?
Nagmumukhang alien na ba ako nito?
"Paulit-ulit? What the heck? Where Am I? Where's Mary" sapo ko na ang ulo ko dahil biglang sumasakit ito. Liyong-liyo rin ako para hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Sigurado akong may mahahanap silang Villacorta sa buong mundo. Hindi naman ako alien para ako lang ang nag-iisang gumagamit nito.
And I know for sure that I am not dreaming because I can feel a pain.
Kung prank lang ito, sana tigilan na nila ito dahil hindi na nakakatuwa.
Where I am?
Who am I?
I'm starting to have a panic attack that makes me giving a hard time from breathing.
"Ma'am, please calm down." tarantang ani ng Doctor. Mayro'ng itong kinuha na isang syringe at maliit na bottle sa side table. Bahagya pa itong nagulat ng makitang hindi na nakakasabit sa'kin yong swero.
Sabunot ko ang buhok ko sa sobrang kagulohan. Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari.
Pagkatapos ay naramdaman ko na lamang na mayro'ng humawak sa dalawang kamay ko at inalis sa kakasabunot sa sariling buhok.
I was screaming saying 'no' and 'Don't touch me'. Hanggang naramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa'kin at ilang sandali ay unti-unti ng umaayos sa dati ang pintik ng puso ko. Kumakalma na rin ako at naramdaman ang pamimigat ng mga talukap ng mata ko.
Bago pa lamang ako mawalan ng malay ay naramdaman kong marahan akong pinahiga ng maayos sa kama at nakita ko ang isang anino ng lalaki.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas na natutulog ako pero nakikita ko sa malaking wall glass ay papalubog na 'yong araw.
Nakatingin lang ako sa labas, at medyo magulo pa ang isipan.
Napansin ko ang pagpasok ng doctor ulit at sinabing pampa-kalma yong binigay sa'kin. Nakita ko rin na mayro'ng swero ang nakakabit ulit sa kaliwang kamay ko. Ito rin daw ang paraan na nagbibigay ng nutrients sa'kin kahit wala pa akong kinakain.
"We're really sorry, Ma'am. But we really needed to made you calm down." I can sense from his voice that he was guilty.
Blanko ko siyang tinignan. Gusto ko sanang magsalita pero ramdam ko ang tuyo na lalamunan ko. Napansin siguro ng doctor kaya naglagay siya ng maligamgam na tubig sa isang clear glass.
Marahan akong bumangon sa kama at saka inabot yong basong may tubig. Agad ko itong naubos at pagktapos ay inilapag sa may side table ng kama.
Nararamdaman ko ang pagkapawi ng panunuyo ng lalamunan ko. At kaya ko na ulit magsalit ng maayos.
"Where am I?" kalmado kong tanong.
Sasagot na sana 'yong doctor ng biglang bumukas yong pintuan ng silid na ito at katulad ng nakita ko kanina, limang naka men in black at yong boss nila ang pumasok.
Tumikhim ng isang beses yong doctor. "You're currently at the mansion of Mr. De Vistal."
Tugon ng doktor kaso wala sakaniya nakatuon ang antensyon ko. Nakita ko yong delikadong lalaki na alam kong boss ito at umupo ulit sa may harapan na bahagi ng kama at katabi nito ay isang coffee table.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakaniya ng makita kong walang emosyon itong nakatingin rin sa'kin.
Pagka-alis ng atensyon ko sakaniya ay biglang may sumagi sa isip ko sa sinabi ng doktor na agad nagpapagulat sa'kin.
Ramdam ko ang kaba at takot dahil mahirap man paniwalaan pero tila totoo ang ideya na meron ako ngayon.
Kahit kinakabahan ay naglakas loob parin akong tanongin ulit 'yong Doctor.
"W-what do you mean?" nau-utal kong tanong.
"You're in the mansion of Mr. Maetel De Vistal." walang pagdadalawang isip niyang sagot.
I was dumbfounded from what he said.
Akala ko ba walang ganito sa totoong buhay? Ibig niya bang sabihin na nasa loob ako ng libro na binabasa ko ngayon?
Dahil nagi-isang Maetel De Vistal lang ang alam at ang kilala ko. Iyon ay yong male lead ng isang R-18 fantasy novel.
Ang huling libro na binabasa ko at nahawakan bago pa ang aksidente.
Pero baka naman panaginip lang ang lahat na ito. Dahil mahirap paniwalaan na nagi-exist yong mahika.
Bahagya kong kinurot ang may pisnge ko at naramdaman ko yong sakit.
Halos mawalan ako ng malay dahil sa hindi kinaya ng isip ko ang mga nalalaman.
"Enough with that nonsense talk." malamig na sabi ng Mr. De Vistal. Bahagya niyang tinango-an 'yong isa sa men in black na katabi niya.
Gulat parin na nakatingin ako sakaniya at hindi makapaniwala dahil totoong nakikita at kasama ko ngayon ang lalaking binabasa ko lamang sa libro.
May bitbit ito na isang brown envelope at maingat na ibinigay sa'kin.
Kunot noo ko silang tinignan. Hindi pa nga nagpro-process ng maayos sa isip ko 'yong natuklasan ko tas bibigyan pa ako ng isang brown envelope.
"Please open it, Ma'am." walang emosyon na sabi ng naka-man in black sa'kin.
At dahil wala akong magawa at nakaramdam ako ng takot sakaniya dahil sa dala-dalang malaking armas nito ay agad ko rin ginawa 'yong sinabi niya.
Nanginginig ang kamay ko ng binuksan ko 'yong brown envelope. Nakita ko ang isang papel na may nakasulat sa ibabaw na confidential contract.
"Para sa'n ito?" nagugulohan kong tanong.
"You should read it for yourself." wala paring emosyon niyang sagot.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kamay ng boss niya na tila pinatitigil ito.
"I'll straight to the point you. I'll pay you a million, in exchange that you needed to be my substitute wife for just a year and you will free after that." malamig nitong ani.
"Why would I? If you talk about money, I'm not that broke just to grab the opportunity easily." kunot noo kong tanong.
Do I really look like a poor to him? If he only finds out how many zeros are in my bank account he might be embarrassed.