"Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony." The Priest starting his speech.
Why I am ended up in this kind of situation?
Hindi ko maiwasan mapatunganga dahil sa mabilis na pangyayari. Wala ako sa sarili sa loob ng seremonya.
Pagkatapos ibigay sa'kin yong papel ay napansin ko nalang na nasa isang shot gun wedding na ako.
"You need to sign here and make this contract still remain secret. And if you failed to keep this secret, your life will be the consequence." walang emosyon habang may pagbabanta niyang sabi kahapon.
Nalilito at nangangapa pa ngalang ako ng sagot para pumayag ako tapos sinabihan na agad ako sa plano at may pagbabanta pa. Akala niya siguro na tatanggapin ko yong offer niya.
"What do you think you're doing? When did I agree this bullshit agreement?"
Sa sobrang kalituhan ay napamura tuloy ako. Stress na stress yong braincells ko sa mga nangyayari.
Hindi pa nga ako pinakain at tanging tubig lang ang nagpapawi sa gutom na nararamdaman ko kagabi.
It's a basic thing to do pa naman na bigyan ako ng pagkain.
"Watch your words." may pagbabanta na sabi sa'kin ng isa sa tauhan ng Mr. De Vistal at sabay sabay naman itinutok ang mga baril sa gawi ko.
Mabilis kong itinaas ang dalawang kamay ko at napasinok pa sa gulat.
"Enough." isang salita lang ng boss nila ay mabilis na sinunod agad.
Sa isang iglap ay mabilis na binaba ang mga armas ng mga tauhan niya.
"We need your cooperation, and I will promise that you will get home safe and sound." A gasped escape from my mouth. Pati 'ata ang mga nakakarinig sa sinabi niya ay bahagyang nagulat.
Sa pagka-alala ko hindi gumamit ng pangako yong Maetel De Vistal na kilala ko sa libro dahil para sakaniya ay sacred word ito.
Tutol parin talaga ako sa deal na ibinigay niya dahil kung totoo man talagang nandito ako at patay na, ay malabo na talagang maka-uwi pa ako.
I don't have a reason to accept his deal pero mabilis na napa-isip ako. Kung gusto kong mabuhay at mag-survive dito, kinakailangan ko talaga ng malaking pera lalo na't walang wala ako dito sa mundong ito.
I lost my family, friends and my career.
Bumuntong hininga ako and then I chose the latter.
I can take his deal for my advantages kaya wala na akong oras pang sinayang.
Pero bakit kailangan ko pang magpanggap as a substitute kay Rendyl? Did she run away? Pero ang alam ko ay matagal na itong may gusto kay Maetel kaya imposible na tumakbo papalayo ito sakaniya.
Sa libro ay isa sila sa perpektong couple. They were made for each other pa nga sabi ng mga tao.
Sa sobrang dami na katanongan sa isip ko ay naglakas-loob akong isatinig iyon. I asked him that night before the wedding.
Pansin ko ang pagiging alerto ng mga tauhan niya. Hinawakan ng mahigpit yong baril, nakahanda sa isang pagkakamali lang na salita ay buhay ko na agad yong kapalit.
"Where's your real bride and Why would I need to act as your wife?" Buong tapang kong tanong.
"Six foot in the ground." he casually answered.
Bahagya akong nagulat ng maintindihan ko agad ang sinabi niya. Lumaki ang dalawang mata ko at napamaang dahil sa hindi makapaniwala sa sinagot niya.
"Tama ba ang nasa isip ko?" paninigurado ko. Dahil kahit hindi ko natapos yong libro ay alam kong buhay si Rendyl.
"Are you that's slow or you're just being a dumb?" nauubosan ng pasensya agad niyang sagot.
Kahit nakasalalay ang buhay ko ay hindi ko parin maiwasan na taliman siya ng tingin. Sinisimulan na naman ako.
"I accidentally killed her." pagsagot niya na tila wala lang sakaniya.
Hello? May murder ng nagaganap pero ang kalmado niya parin.
Pero kung sabagay na hindi na nakakapagtaka na tila wala lang sakaniya dahil ang isang Maetel De Vistal na kilala ko ay isang walang puso na mafia boss, halimaw ito sa pakikipaglaban pero under parin sa parents niya. Medyo takot pa sa Ina niya.
Nataguriang mafia boss pero pagdating sa parents niya o mas lalo na kay Rendyl ay tiklop ito.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Malayong-malayo sa libro ang nangyayari ngayon.
Ba't napatay niya ang bride to be niya kung maayos naman ang relasyon nila simula't sapul?
May nakaligitnaan ba ako?
Kailan ba nagbago ang ikot ng story sa libro na ito? Simula ba nang mapadpad ako dito?
Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pagtikhim ng Priest na nagkakasal sa'min na nasa harapan namin pala ngayon.
Nakalimutan ko pa na kinakasal pala ako ngayon sa lalim ng iniisip ko na nangyari kagabi.
"Do you take Maetel De Vistal as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Naramdaman ko ang pagtapat ng bibig ng katabi ko sa may tainga ko at bumulong.
"Your answer? Make it fast or you'll meet my bullets." pagbabanta niya.
Naramdaman ko ang pag-sitaasan ng mga balahibo ko.
Nasa catholic Church kami, isang tradition na kasal 'yong nagaganap pero kahit nasa harap ng Priest at altar, 'yong mga lumalabas sa bibig niya ay pang demonyo parin.
Bahagya akong nanigas lalo na't alam kong hindi lang pagbabanta ang sinabi niya. Kanina ay pasimple kong tinignan ang mga tauhan niya, napansin ko na may patagong binibitbit itong mga armas
"I-I do." Hindi ko maiwasan na mapa-utal dahil sa pagka-taranta.
Narinig ko ang tawanan ng mga tao na naging saksi ngayon sa pag-iisang dibdib namin ni Mr. De Vistal.
Akala 'ata nilang natataranta ako dahil sa sobrang overwhelmed na pakiramdam. Pero ang hindi nila alam ang pressure na nakapukol sa'kin.
Ibinaling rin ng Priest ang tanong kay Maetel at hindi pa nga ito natatapos sa sinasabi ay mabilis niya itong pinutol at sabay sabi ng 'I do'.
We exchange our vows na scripted while putting the wedding ring from each other.
Kumuha pa talaga si Maetel ng tauhan para gumawa ng wedding vows.
Mabuti na ngalang ay sanay na ako mag-memorize ng mahabang script kahit maliit na oras lang yong ibinigay.
Hindi ito yong una na may wedding scenes ako. Kaya alam ko na agad kung paano i-deliver ng tama yong mga lines ko.
Magaling rin sa pagpa-panggap si Maetel na halos yong nakasaksi ay mangha-mangha sakaniya.
Tumatagos talaga sa puso kahit yong totoo ay labas sa ilong yong mga salitang binibitawan namin para sa isa't isa.
"In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!" Nakangiting sabi ng Priest sa'min. Kaya hinarap ko tuloy itong pala-desisyon sa buhay ko na lalaking ito.
Naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi naman ito bago sa'kin 'yong may kissing scene sa trabaho ko pero kinakabahan parin ako. Dahil alam kong pagkatapos nito ay tuloyan na talagang magbabago ang buhay ko.
Nakatitig lamang ako sakaniya habang abala naman siya sa marahan na pag-alis yong belo na suot ko.
Halos malagutan ako ng hininga ng hinawakan niya ang magkabaling pisnge ko at pagkatapos ay unti-unting inilapit sa mukha ko ang mukha niya.
Mariin na napapikit ako ng tuloyan kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Tila ang naririnig ko lang sa mga oras na 'to ay ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko na masyadong narinig pa ang sigawan ng mga tao na animo'y tuwang-tuwa sa nasaksihan.
Segundo lang 'ata ang lumipas bago niya pinutol ang halik namin.
Mahina akong humihinga habang tinitignan siya.
He was looking at me intently. Pagkatapos ay hinarap na niya ang mga witnesses sa kasal namin.
Napabaling rin ang atensyon ko sakanila at namumulang nakangiti. Nakita kong papalapit sa'min ang mga parents namin ni Maetel.
Puno kami ng congratulations galing sa mga tao. We also take our pictures together with the family.
Naglakad na kami sa aisle ni Maetel habang sinasabuyan ng white petals galing sa puting rosas.
Papalabas na kami sa church para pumanhik papuntang reception.
I was just doing my best to give my best smile. At para rin na perpekto ang pagpapanggap naming dalawa.
Hindi parin ako makapaniwala dahil 'yong kilala ko lang sa isang libro na binabasa ko noon ay asawa ko na ngayon. Nahalikan ko pa at nahawakan. Pero iyon ngalang ang kapalit ay makukulong ako ng isang taon sa buhay niya.
Ramdam ko na tila may nakakalimutan akong importanteng bagay.
Mabilis na lumaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nakalimutan ko at kinabahan.
Don't tell me ang mga mangyayari kasama ang female lead ay mangyayari rin sa'kin?
Kung may kasal, edi may honeymoon?
I got a goosebumps, pagkatapos na maisip iyon.
"Congratulations to the both of you, my princess." pag-congratulate sa'kin sa totoong ama ni Rendyl.
"Thank you, Daddy." mahinhin kong ani at ginawaran ng halik ito sa may bahaging pisnge nito, bago yinakap ito.
The real Rendyl Revamonte was a sweet and daddy's girl.
Kaya grabe yong pagpapanggap ko kahit sa kaloob-looban ko ay halos mamula na ako ng sobra dahil sa hiya. Hindi pa talaga kasi ako sanay na tawagin siya sa nakasanayan na tawag sa totoong Rendyl sakanya.
Ginagawa ko rin ng maayos ang pagpapanggap ko kung hindi ay buhay ko ang kapalit.
Alam ko na kahit gaano ka-sweet pa ito sa unica hija niya ay may tinatago itong ugali na hindi magdadalawang isip na kumitil ng buhay.
Halos pinagsasalamat ko pa nga dahil maliban sa ugali, pananalita at kung paano manamit ay wala na akong dapat pang bagohin pa sa sarili ko.
Nakakapagtaka lang dahil walang pinagbago 'yong itsura ko.
Pwede ba yong ma-reincarnated na buong katawan, akala ko kasi yong soul lang. But don't tell me na magkamukha talaga kami sa totoong Rendyl Revamonte?
Malamang! Bibigyan pa kaya ako ng pansin ng isang Maetel De Vistal kung wala akong panggagamitan?