Chapter 5

2017 Words
"You're always welcome my only Princess. I'll always miss you. Finally, 'yong araw na kinatatakotan ko ay nangyari na. At iyon ay iiwanan mo ang tabi ng Dad." I can feel the sadness of his words. After the death of his love of his life, he really treasured Rendyl so much, especially that she was the only family that he had now. Medyo kinakain ako ng konsensya ko at nasasaktan para sakaniya kung darating man ang araw na malalaman niya ang totoo na tuloyan ng nawalan siya ng pamilya. Dahil 'yong kaisa-isang anak niya ay matagal ng wala at huwad lang ang kasama niya. I can't imagine his painful grief of losing his only daughter. I bit my lower lip to stop the urging to apologize from him. "I will always be your Princess, Papa. And don't worry I will always visit you. So don't be sad." Kahit nagpapanggap lang ako ay ramdam ko ang pagmamahal niya para sa anak niya. Lalo na't nong hinatid niya ako papuntang altar ay napapansin ko pang napapaluha siya. He was hesitant when he was trying to let go and put my hand on Maetel's hand. I know that behind of being a ruthless and merciless I know that he was a loving father and a husband. It's was too bad that the destiny were too cruel on him. "Make it often from visiting me. You should fucos on your own family and make me proud having a beautiful Grandchildren. I can't wait to meet them. And I will visit you if I have a time." Agad akong namula sa sinabi niyang Grandchildren. Grandchildren po talaga? Isa muna po bago maghangad ng marami lalo na't mukhang malabo na magkaka-apo pa siya dahil hindi naman kami magkaka-anak ni Maetel, our relationship was a pure of Contractually marriage and one of its conditions was we didn't need a physical contact if it's not needed. Nakaramdam tuloy ako ng guilty dahil lalabas na pinaglalaruan ko lang ang feelings niya. At ngayon lang ako natauhan na ang laking tanga ko pala kung bakit pinasok ko itong sitwasyon na ito. "Then, I guess I will become the less of your favorite if you have a grandchildren." pagbibiro ko sakaniya. "Well, you're right." pagsasakay nito sa biro ko. "Papa!" ani ko na may bahid na tila napipikon. Nagpapanggap man ako ngunit genuine yong pinaparamdam ko sakaniya. Matamis akong nakangiti sakan'ya. Napawi lamang 'yong ngiti ko ng naramdaman ko ang pamilyar na bisig sa baywang ko. Mas lalo pa akong tama ang kutob ko kung sino ito dahil sa tingin nito ni Dad. "What?" I asked him while still smiling. Nakatingin pa naman si Papa sa'min. Itong lalaki na 'to. Biglang susulpot. Hindi rin nakakatuwa sa pagiging clingy niya. Kahit pa makisig ang braso at katawan niya. "Mom, wanted to talk you. " He whisper in a husky tone on my ear that makes me shiver. At bahagya niya pang ginawaran ng halik ito. Narinig kong tumikhim si Papa. At huli na napagtanto ko ang nangyayari. Sobrang pula tuloy ng pagmumukha ko. Nakakahiya! "Congratulations, Son." Nakangiting pagbati ni Dad kay Maetel. At para mayakap ito ay bumitaw ito sa kakahawak ng baywang ko at bahagyang yinakap si Papa while telling his thanks. And I saw my father starting to feel emotional. Naaalala na naman yata na iba na ang magtatanggol at mag-bubuhos ng pagmamahal sa Prinsesa niya. Before I get caught from the emotional atmosphere, mabilis na akong nag-paalam kay Dad para maka-usap yong parents ni Maetel. "Papa, I'll just talk his parents." pagpapaalam ko bago hinalikan ulit siya sa may pisnge. Bahagya pa akong napairap dahil sa dimuhong lalaki na 'to. Bahagya akong yinakap na tila ayaw malayo sa'kin. Galing naman umarte nito. Narinig ko ang pagtawa ni Papa. "Haist, young love." He said while looking us with amazement but I can sense the longing. Maybe he remember his deceased wife. "I'll be back." pagpapaalam ko sa lalaking ito para matigil sa kalokohan. Taas nuo akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng De Vistal couple. Nakita kong may kinakausap ito na alam kong mga kaibigan nito. Hindi naman ito yong unang nakilala at naka-usap sila pero kinakabahan parin ako. "Oh dear, you're here," bungad sa'kin ni Mrs. De Vistal ng mapansin akong papalapit sakanila. She kissed my cheeks and after that she hugged me tight."Welcome to the Family, Hija." I hugged her back. "Thank you, Tita." I said sincerely. "Silly, call me Mom from now on. At last, I have a daughter. Bago ko pa talagang manganak kay Maetel, I thought he was really a girl. But ended up a healthy boy was born. Well, I'm also who's the one that needed to be blame. Because I didn't let anyone to check what's the gender of my unborn child." ani ni Mrs. De Vistal habang tila hiyang-hiya sa ginawa dati. "I am really happy that you will be part of our family. I hope my future grandchildren was taking after you. You're so beautiful, you got a beautiful genes. I don't want my grandchildren to be like my aloof son. " Halata sa boses niya ang kaligayahan and from her tone I can sense na sakit sa ulo talaga si Maetel habang lumalaki. Kaya napatawa pa ako. "Welcome to the family, Hija." ani naman ni Mr. De Vistal ang papa ni Maetel. I guess Maetel traits were taken after him. He has a cold stare and a dangerous aura. Makisig rin at halatang mas gwapo ito nong twenties nito, pero kahit nasa late fifties ay magaganda at gwapo parin. "Thanks, Dad." I said while hug him back. At pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na itong nakipag-usap sa mga kakilala nila sa business. Mayro'n pang nakipag-usap sa'kin at pagkatapos ay unti-unti rin na nawawalan na ng tao 'yong simbahan dahil ang iba ay papuntang reception na. "Shall we?" tanong agad sa'kin ni Maetel ng makalapit na sa kinaroroonan ko. Mas nauna na ring pumunta ang parents niya with my father. Nasa iisang limousine na kulay puti kaming dalawa. Hindi talaga maipakaila na big time sila. "How is it?" pagi- initiated niya ng conversation. "What do you mean?" Nagugulohan kong tanong. At dahil medyo pagod ako kaya wala ako sa mood na pahabain yong pag-uusap sakaniya. I saw how he was pissed of something. Clueless naman talaga ako sa itinanong niya. Hindi na ako nagtanong pa muli dahil halata talaga sa pagmumukha niya ang kawalan ng mood. Nanahimik lang ako sa buong byahe baka kapag nag-salita ako baka mas lalong magalit at baka barilin pa ako, dala dala pa naman niya yong baril niya. Wala kaming imikan pagkarating ng venue kung na saan 'yong reception. We starting smiling and as usual, clingy na naman ang lolo niyo. Hawak na naman niya ang baywang ko. Kaya ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko. "Oh, here's come the newlyweds." pagwewelcome ng host ng event. When I heard her voice mas lalo nanuot sa utak ko yong nangyari na totoo ang lahat. Hindi ko in-expect na dito ko unang mai-experience na i-kasal. Dati wala talaga sa plano ko na maikasal dahil marami na akong nasaksihan na heartbreaks kaya inalis ko talaga sa isip ko 'yong relationship and commitment. And I am happy from being free, I was enjoying myself from my career that I've chosen. Habang papalapit kami sa harapan na kung saan ang table namin ay nakikita kong mayro'ng mga babae na napa-irap at halata sa mga mata nila yong inggit. Iyong kanina na nakipag-usap ako tapos plina-plastik lang ako sabay bitaw ng mga nakaka-insulto na salita. I know they were fans of Maetel. At mga taong naghahangad na sana sila yong nasa sitwasyon ko. If they only know what's the real Maetel De Vistal. 'After I faking smiling them, I ignore them. Hate me all you want. I don't care at all. Nasa sa'kin ang korona.' I said childishly from my head. Katulad ng mga nasaksihan kong kasal ay nai-experience ko. From the garter and throwing the bouquet of flowers. Tapos mayro'ng pang mga best man and bridesmaids na palaro. From slicing the cake at nakipag-suboan ng cake kay Maetel. Hanggang nagtapos 'yong event. Smooth ang lahat, walang problema nangyayari. Maliban ngalang sa paningin ko ngayon na bahagyang umiikot dahil naparami ang na-inom kong wine. Sumabay pa 'yong puso ko na hindi magawang kumalma. Hawak ako ni Mr. De Vistla sa may baywang ko. Favorite spot niya 'ata. Habang nagpa-paalam na kami sa parents namin. Nagawa pa talagang sabihan ako ng 'goodluck' ni Mrs. De Vistal. Hindi na kami nagpapansinan pa ni Maetel ng nakapasok kami sa sasakyan. Papunta sa Mansion niya na magiging bahay namin. Kanina ko pa na pilit pina-pakalma ang puso ko. Kaya hindi ko napansin na napaparami ang nainom ko. Pero wala paring saysay 'yong alak, wala kasi itong epekto para matigil sa pagkabog ng malakas ang puso ko. I can't stay calm dahil mapapasabak ako sa wedding night. Ang huling parte pa naman sa libro na nabasa ko bago mapunta dito ay bed scenes. Halos mapatalon ako sa kinauupoan ko ng tuloyan ng tumigil iyong sasakyan sa harap ng Mansion ni Mr. De Vistal. Pinilit kong blanko ang expression ko kahit sa kalooban ko halos mangiyak-ngiyak ako sa kaba. Pero mabilis rin naman napalitan ng inis. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Kaya lumabas na rin ako ng sasakyan. Napaka-ungentleman talaga. Kahit nasa tamang wisyo naman ako pero tila sumasayaw ang paligid at yong nilalakaran ko. What the heck? Mabagal akong naglalakad lalo na't nararamdaman ko ang panghihina ng mga binti ko. Ayan, inom pa. Ramdam ko yong sagabal ng stilleto na suot ko kaya huminto muna ako sa kakalakad at hinubad ito. Gusto kong mapa-ungol sa kaginhawaan na naramdam ko. Napansin ko na natigil rin sa paglalakad si Mr. De Vistal at walang emosyon na nakatingin sa'kin. Kunot noo ko siyang tinignan at pagkatapos ay naglakad na ulit papalapit sakaniya. Habang naglalakad ako ay napansin ko kung gaano kalaki 'yong mansion niya.Halos kasya pa 'ata yung buong baranggay. Hindi ba siya nabo-borde lalo na't siya lang ang tumitira dito? I heard from his Parents na may kaniya-kaniya silang mansyon at ito naman yong mansyon ni Maetel para sa magiging pamilya niya. Nakita kong mayro'ng limang naka-maid ang nasa may tapat ng pintuan. "Goodevening, Mr. De Vistal and Madame Rendyl Revamonte-De Vistal."pagbabati nila sa'min ng makalapit na kami sa harap ng double door na halatang mamahalin na kahoy 'yong paggawa nito. From the curve and the engraved, sumisigaw na mamahalin at 'yong professional talaga ang gumawa nito. Madame? Ang sosyal naman. Madame talaga tawag sa'kin. "Escort her to her room." pagu-utos ng nasa tabi ko. They were answered with a full of respect on their voice. Bahagya pang nag-bow ng dinaanan sila ni Maetel at tahimik lang ako nakasunod at nagmamasid. "This way, Madame." Isang naka-short hair ang lumapit sakin sabay lahad sa dadaanan ko. Kasama nito ang bahagyang nakayuko na naka-pusod yong buhok. "Okay." Agad naman akong sumunod sakanila. Napansin ko na sa ibang deriksyon pupunta si Maetel. Don't tell me na kakain siya ng wala ako? Oras na rin kasi para sa hapunan at pareho kaming hindi masyadong kumain sa reception kaya akala ko maghahapunan pa kami pagdating namin dito. At isa pa hula ko kasi 'yong parte ng bahay na pinuntahan niya ay isang dining area. Iyon pa naman ang nakikita ko palagi sa palabas. "Don't worry about of Mr. De Vistal, Madame. He just has works to do." napansin 'ata ng kasama kong maid ang expression ko. Hindi ko napansin na na-alis 'yong pagtatago ko ng maskara. "It's okay." Tanging sagot ko lang at sumakay na ng nakakabukas lang na elevator. Hindi na talaga ako nagulat pa ng malaman na may elevator dito. Sa sobrang laki, at dahil may kahabaan 'yong hagdan kailangan talaga ng elevator or escalator. Baka abotin pa ako ng umaga kapag ginamit namin 'yong hagdan. Pinapakiramdaman ko lang ang kasama ko dahil pagkatapos kasi noon hindi na ulit kami nag-uusap. Mahiyain 'ata sila. Mabuti ngalang ay nasa first floor na kami at bumukas na 'yong pintuan ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD