"I just wanted for the change." pagtitipa ko pero agad ko rin naman binura. "I just got bored." pagtitipa ko at sabay pindot ng send button. Pinili ko rin na replyan 'yong Nathalie. "I forgot." ito na 'ata ang pinaka-bobo kong sagot. Lumipas ang ilang segundo ay mabilis agad itong nag-seen at nag-reply. "Wow! You're hurting me, you know? How did you forgot this beautiful face?" "I'm just kidding. Biglaan kasi at alam kong nasa Germany ka ngayon at abala sa requirements mo." Mabuti nalang talaga ay naging malaking parte sila sa libro kaya alam ko ang mga nangyayari sa buhay nila. Sila rin kasi ang isa sa mga sumusuporta sa relasyon nina Rendyl at Maetel. Nag-pop up naman sa notification ang message ni Lessia, bubuksan ko sana ang message niya ng marinig kong tinatawag 'yong pangalan

