KABANATA 43 TINA “Aalis po muna ‘ko. Hahanapin ko si Angela,” mabilis na paalam ko sa kanila at lumabas ako ng villa. “Babe, gusto mo ba sa—.“ Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni Blake dahil binilisan ko ang lakad ko palabas. Naiinis ako. Gusto ko siyang pagkatiwalaan, pero hindi ko mapigilan ‘yung selos ko. Sabi niya, magkaibigan lang sila. Sabi niya walang namamagitan sa kanila. Sabi niya ako lang ang mahal niya. Ramdam ko naman ‘yon. Baka naman ‘yung Mela na ‘yon lang ang lumalandi sa kanya? Argh! Bakit ba may mga babaeng higad? Alam nang may karelasyon na, lumalapit pa! Subukan lang ni Blake na patulan ‘yung babaeng ‘yon, walang mangyayaring kasal! Kahit mahal na mahal ko siya, iiwan ko talaga siya! Habang naglalakad ako, pansin ko puro mga couples ‘yung nakikita

