KABANATA 44 TINA Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang mamanhikan sina Blake. Gano’n pa rin ang setup namin, tuwing weekends nandito siya at nirerentahan niya ‘yung villa para sa ‘min. Si Theo, hindi ko pa rin nakikita sa resort. Pinagtataguan ata ako dahil si Angela naman nakikita siya. Ang galing naman niya magtago kung gano’n o baka naman hindi talaga siya nagpupunta sa resort kapag alam niyang may pasok ako. Magkaiba kasi kami ng oras ng pasok ni Angela. Pang-umaga siya, panggabi naman ako. “Ate, nand’yan na si Kuya Blake!” sigaw ni Angela. Susunduin ako ni Blake ngayon at sasama ako sa kanya paluwas ng Manila dahil graduation niya sa Monday. Nag-file na nga ako ng leave ng dalawang araw at buti na lang pinayagan ako ni Ma’am Liza. Pagdating namin sa bahay nina Blake,

