KABANATA 45 BLAKE Nagulat ako sa sinabi niya. Ang alam ko mag-best friend lang sila. Mukhang tama nga ‘yung kutob ko na may gusto ‘tong lalaking ‘to kay Tina. Magsasalita na sana ‘ko nang bigla siyang magsalita uli. "Huwag ka muna magsalita. Pakinggan mo na lang muna ako." Sige, hindi ako magsasalita. Tingnan ko kung pang sasabihin mo. "I’m sorry kung ang tagal kong lumayo. Hindi ko kasi kaya na makita kayong magkasama. Nasasaktan talaga ako. Bakit siya ang pinili mo, hindi ako?" Kasi, ako ‘yung mahal at hindi ikaw. "Cristina, hindi ko malimutan ‘yung gabi na magkasama tayo." Gabi? Magkasama kayo ng gabi? Saan? Kailan? “Hinahanap-hanap ko ‘yung halik mo.” What?! Halik? Ano’ng pinagsasabi nito? “Few weeks ago, nakita ko kayo. Gusto kitang hilahin palayo sa kanya lalo na nang makita

