YUA’S POV Narinig ko ng wang-wang ng mga pulis at saka ko tinapon ang baril sa kung saan at tumayo ako at saka tumalikod sa kanya. Lumapit ako kay Azi na no’n ay walang malay at maraming sugat. Buti naman at humihinga pa sya dahil kung hindi na ay paniguradong patay na rin si Jeon ngayon. “The police are always late,” inis na sabi ko. Tumayo ako at saka pumasok ang mga mag-aasikaso kay Azi. Sumunod ako at lumabas hanggang sa makarating kami kung sa’n ko pinarada ang motor ko kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyare ‘to. Bakas ang pagod sa mukha ko pero kaya ko pang magmaneho. Biglang may humawak sa kamay ko at pang lingon ko ay si Zike pala. “Pagod ka,” he said. “I can manage,” sagot ko naman. “You need to rest.” “Pagkauwi ko. Asikasuhin mo na si Azi. I need to go,” sabi ko s

