YUA’S POV Nang magising ako kinaumagahan ay agad na nag-asikaso na ako. Tinignan ko ang cellphone ko at still wala pa ring tawag. Bumuntong hininga ako at saka ko inayos ang sarili ko. Nang makababa ako ay handa na rin sila Yesha. “Bakit hindi na lang kayo dito mag-stay?” tanong ni Zian. “Iyon na nga, e. Mas gusto namin dito.” Nakangusong sabi naman ni Yesha. “Kung dito kami ay baka makasagabal lang. We need to go,” sabi ko at saka kinuha ang gamit ko. Tumingin ako kila lolo at lola. “Sayōnara, o bāchan to ojīchan.” (Bye, Lola and Lolo.) Paalam ko. Lumabas na kami at nakahanda na rin ang mga motor namin. Napangiti ako ng makita ko ang kulay ng motor ng akin. Hindi ko na nagagamit ang motor na nasa mansion. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Zian na nakangiti sa ‘kin. “Kiniir

