YUA’S POV Makalipas ang ilang araw ay panay ang kain ko ng white chocolate at tea na may gatas. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit masarap ‘yon sa panlasa ko kahit na hindi naman ko naman ito gusto. Makalipas ang araw ay med’yo maganda ang mga araw at ilang araw na rin akong hindi pumpasok at si Azi lang ang pumapasok sa ‘min. Naisipan kong pumunta ng hospital to know my condition and also my baby. Nang malaman ni Azi ang pagbabago ko’y mas naging maalaga sya sa ‘kin kaysa noong una. “Tara Densu, pupunta tayo sa private doctor.” Tumayo si Densu at saka nito hinanap ang bag na pinaglalagyan nya at saka kami umarangkada. Nang mailagay ko sya sa bag ay agad kong tinawag ang butler ko para sa susi. Nang maibigay nito ang susi ay umalis na kami at pumunta sa hospital. Hindi naman bawa

