YUA’S POV Palihim akong umalis at kasama ko si Densu. Sinenyasan ko sya na h’wag maingay at nakinig naman sya sa ‘kin. Sya lang ang tanging nakikinig sa ‘kin at hindi ko maintindihan kung bakit tila naiintindihan nya ako. Sa totoo lang ay naiintindihan ko rin sya. Hindi ako mahilig sa aso o pusa pero ngayon lang ako nag-alaga ng aso sa tanang buhay ko. Nang makababa sa may balcony ay saka kami marahang naglakad. Nilagay ko sya sa likuran ko at hindi sya lumilikha ng kahit na anong ingay man lang. Nang nakaak’yat ako sa may bakod ay saka ko tinignan ang mga tauhan kong nasa ibaba nito. Ginagawa nila ang trabaho nila at natutuwa ako sa nagiging resulta. Sa toroo lang hindi naman mahirap ang pinapagawa ko. Mula sa kinalalagyan ko’y nakita ko ang isang kahina-hinalang tao at saka ako tumin

