MIRAI’S POV Matapos kong mag-report sa office ni Mr. Woo ay dumeretso na ako sa mansion ng mga Densetsu. Pansin kong wala pa do’n ang mag-asawa kaya naman hindi ko na lang pinansin ang presensya nila. Mula sa may bungad ng pinto ay nando’n si Yohan na nakatayo at tila may kukunin. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at saka ko sya inalalayan. “Hoy ano ba!” asik ko saka sya napatingin sa ‘kin. “May bugbog pa ang katawan mo at after two weeks ka pang makaka-recover. It’s been four days pa lang mula ng mangyare ang insidente gusto mo na agad dagdagan?” sermon ko. “Tsk. Ang dami mong sinabi hindi mo na lang ako tulungan.” Nakangusong sabi nya at napabuntong hininga ako. “Tch. May buzzer naman kasi hindi nagtawag ng katulong,” bulong ko at saka sya ngumiti. “It’s Sunday, day-off nila.”

