YUA’S POV Nang makabalik ako’y dumating na ang mga pulis at ambulansya. Mula sa may gate ay may iilan ding nahuli at buti na lang ay bukas ang electric nito. Agad na lumapit sa ‘kin si Yara, Mirai at Yesha. Hindi ko rin naman inaasahan ang nangyare pero gano’n pa man ay naging maayos ang lahat. “Tanginang buntis ‘yan tumatakbo,” sabi ni Yesha at talagang pinupunto ako. “Gusto kasi nyang tumakbo.” “Ewan ko sa ‘yo Yua!” Hindi ko na lang sya pinansin at saka hinanap ng mata ko si Azi. Agad na lumapit ako sa kanya at napatingin sya sa ‘kin. Tinignan nito ang kabuuhan ko mula ulo hanggang paa. “Pinag-alala mo ‘ko, Yua,” galit na sabi nito sa ‘kin. “I’m alive,” sagot ko naman. “Ayon na nga! Hindi mo man lang inisip ang kapakanan mo at ng Baby natin!” “Hindi ako susugod kung masel

