YUA’S POV Isang bwan ang lumipas at nanatili dito si Yara. Hindi ko alam kung para saan ang pananatili nito pero hindi bale na. Wala sila papa at Lolo dahil bumik na rin sila sa Japan dahil na rin sa mga tungkulin nila. Sila Mommy at Daddy naman ay umalis na rin at ngayon ay kasama ko sila Mirai, Yesha at Yara. Nakuwento ni Mirai ang nangyare sa kanila ni Kuya Yohan at napangisi lang ako. Habang nasa bahay ako at bakasyon ko’y gumagawa pa rin ako ng trabaho ko. Sa mga nakalipas na linggo ngayon ko lang din naalala kung bakit nga ba ako takot sa Joker. Bukod kasi sa nakilala ko noon si Peter sa bahay nila ay may naalala akong pangyayare na hindi ko rin inaasahan. Ang mga pangyayare na ‘yon pilit na binubura sa ‘kin ng ikalimang ranggo at alam kong alam nya na alam ko kung anong totoo.

