CHAPTER TWO:
HER LIFE STORY
Hot Reminder: This story is erotic romantic comedy. It is a feel good story about s*x (ooops), love and friendship.
To avoid the story to be reported and become restricted, the author filtered all the censored and vulgar words. Please, read at your own risk.
Warning: It may contain seen not suitable for very young readers. Parental guidance is not highly recommended just read at your own risk and make sure no one is around.
ALDRIN (POV)
Gusto niyang samahan ko siya sa cru pang tulungan ko siyang isuot ang pad niya? Hindi ba dapat babae rin ang dapat na kasama niya upang gawin iyon? Ano’ng tingin niya sa akin bading? O baka naman gusto niyang gawin namin ang pinapanood niya kanina? Nakakapanliit talagang malaman na may ganitong klase ng babae. Pero sa pagkakataong ito ay ayoko na siyang ipahiya o insultuhin. Lalaki ako at babae pa rin siya. Baka sakaling kapag pinakitaan ko siya ng maayos na pakikisama ay baka magbago na siya. Though hinihiling ko rin na sana ay ito na ang huli naming pagkikita.
“Sorry Miss pero hindi naman yata iyon magandang tingnan. Sorry talaga kita kung nabastos kita kanina. Concerned lang talaga ako sa iyo. Concerned lang ako sa pwedeng maging tingin ng ibang tao sayo kapag iba ang nakakita sayo na nanunuod ng malaswang palabas sa loob ng PUV. Sana ay mapatawad po ako. Sana rin ay ma-realize po na may point naman ang concern ko sayo.” I sincerely told her. Pero kasama na dyan ang pagnanais na huwag ng ma-encounter ang babaeng ito. Iyon nga lang ay parang hindi ko na maalis ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya. She’s really beautiful in sexy and classic way. Mas na-appreciate ko ngayong nakatayo na siya ang ganda at hubog ng katawan niya. Mas nanghinayang tuloy ako sa ugali niya. Sana maalis nya ang kabastusan niya at kagaspangan ng pag-uugali niya. Sayang talaga eh.
“Thank you sa pagiging concern para sa akin. Pagbibigyan kita ngayon na huwag gawin ang pabor na hiningi ko. Sa susunod ay gagawin mo na ang pabor na hihilingin ko. Ganyan kaming mga high school graduate. Masyadong kaming nasasaktan kaya dapat hindi lang sa salita mo patunayan ang paghingi mo ng tawad. Dapat pati sa gawa.” Mas lalo tuloy akong nakonsensya sa sinabi niyang iyon. Alam kong mali siya pero mali rin ako sa pang-iinsulto sa isang babae. Nakipagtitigan pa siya sa akin. Maganda rin pala ang mga mata niya. Parang malungkot sa kabila ng ningning ng mga iyon.
“Sure.” Matipid kong sagot. Kung magkikita pa tayo. Masyadong malaki ang mundo. Kami nga ng first love ko ay bumilang ng taon bago muling nagkita, tayo pa kaya.
“Promise?” paniniguro pa niya.
“Promise!” tugon ko. Hindi ako babali sa pangakong ito. Pero sisiguraduhin kong hindi na kami magkikita. Madalang lang naman ako lumabas eh. Halos opisina at bahay lang ang buhay ko. Hindi pa naman din niya ako kilala kaya naman okay lang na mangako.
“Ano nga palang…” may itatanong pa sana siya ng talikuran na niya ako. Mukhang kailangan na nga niyang makapunta ng cr. Sa ibang comfort room nalang ako pupunta. Baka kasi paglabas ko ng male’s cr ay nandun na siya sa labas galing naman ng female. Kaya sa ibang direksyon ako maghahanap ng cr. Mahirap na baka kung anong weird na pabor pa ang hilingin sa akin ng babaeng iyon.
ERAH ALERIE (POV)
Sayang at hindi ko natanong ang pangalan niya. Baka hindi ko na siya makita pa. pahihirapan ko talaga siya sa pabor na hihilingin ko! Parusa niya iyon sa pang-iinsulto sa akin. Infairness naman gwapo talaga siya. Sobrang hot niya habang pinagmamasdan ko siya. Iyon lang ay hindi ko pwedeng ipahalatang nagagwapuhan talaga ako sa kanya. Matangos na ilong at maamong mukha. Very expressive na mga mata at pang-mayamang kutis. Napakabango pa. Naaamoy ko talaga yung very manly niyang pabango na sa FX palang ay humahalimuyak na.Kainis naman kasi tong period ko. Ngayon pa umeksena! Iyon lang ay hindi ko talaga mahanap ang banyo! Kapag ako nagkatagos. Hay! Kalerky na to!
“Friend!” pamilyar na boses ang sa aki’y tumawag. Maharot at malambot na boses. Si Melvin yun. Ven ang tawag ko sa kanya. Bading siya na kaibigan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa nanay niya na si Tita Lilian. Sila ang nag-alaga sa akin at sa aking ina. Best friends ang nanay niya at ang nanay ko.
Lumingon ako sa direksyon ng boses. Sila nga! Kasama niya ang isa ko pang kaibigan na si Kimberly. Kim for short. Kinaway-kaway ko ang aking mga kamay. Senyales na pinagmamadali ko sila.
Nang makalapit sila sa akin. “Sakto naman ang dating niyo. Kim tulungan mo naman akong isuot ang napkin ko oh.” Pakiusap ko.
“Oo ba.” Mahinahon niyang sagot. Manang kasi yang si Kim sa pananamit at pagkilos. No boyfriend since birth yan. Hindi makabasag pinggan. Pilit naming iniimpluwensyahan sa kababuyan at kaharutan namin ni Ven pero ayaw talaga. Cerified virgin pa rin tulad naming dalawa. Malamang ay siya ang huling mabibinyagan sa aming tatlo.
Si Ven naman nagkaboyfriend na yan. Tatlo na siguro? Pero lahat via text at chat. Hindi pa siya nakipag-meet sa mga naging boyfriend niya. Kung kakilala niya man ang nagiging boyfriend niya ay hindi niya hinahayaang perahan siya. Kapag niloloko na siya kahit minahal na niya iyon ay hinihiwalayan na niya. Nakakatuwa siya sa part na iyon. Mabuti kasing tao ang nanay niya kaya kahit na bading ay lumaki siya ng maayos. Nag-iisang anak lang siya. Patay na ang kanyang ama. Mayaman daw ito ngunit tinakwil ng mga magulang nang magpakasal sa kanyang ina na hamak na sari-sari store owner lamang.
Ako naman. Heto lumaking nagtatapang-tapangan. Palaban ako. Walang-hiya. Babaeng kalye. Maganda pero walang class sa kilos at pananalita. Iyon ang imahe na kailangan kong ipakita sa lahat upang hindi nila ako apihin. Itong dalawang kaibigan ko lang ang nakakakilala sa tunay na ako. Sa mahinang Erah. Sa iyaking Erah. Sa Erah na gusto lang naman ay mahalin.
Erah Alerie Aguinaldo. Iyan ang buo kong pangalan. Apelyido ng aking ina ang gamit ko, si Valeria Aguinaldo. Twenty-two years old na ako. High school graduate ako. Hindi na ako nakapagkolehiyo dahil kinailangang magpagamot ni Nanay dahil sa kanyang breast cancer. Hindi siya nagpa-chemotherepy dahil masyado raw mahal. Meron lang siyang maintenance na gamot na iniinom na sobra namang mahal. Nililihim niya lang sa akin pero mayroon din siyang AIDS. Alam kong nagbebenta siya noon ng laman upang may maipangtustos sa pag-aaral ko at sa pagkain namin sa araw-araw. Nakatira lang kami kina Ven kaya naman ayaw niyang maging pabigat sa mga ito. Tinutulungan ko naman siya kahit papano. Gumagawa ako ng yema at tinitinda sa mga kaklase ko. Lagi akong tinutukso noon dahill mahirap lang daw ako. Doon ako nagsimulang maging matapang o magtapang-tapangan.
FLASHBACK
1st year high school palang ako.
“Oh recess na natin! May dala akong yema! Sino ang bibili?” tumayo ako kaagad ng lumabas ang teacher namin para makabenta na.
“Huwag kayong bibili sa kanya! Alam niyo namang marumi yan eh! Mahirap siya kaya siguradong marumi yan!” sigaw naman ni Karmin. Nakakainis ang babaeng yan. Lagi nalang niya akong sinisiraan sa mga kaklase ko. Mabuti nalang at nasarapan sila sa yema ko kaya ayun hindi sila naniniwala. Gayunpaman ay hindi naman ako nagpapatalo sa kanya. Alam kong kailangan akong lumaban. Kadalasan kasi ay dinadamay na niya ang nanay ko sa pang-aapi niya sa akin.
“Masarap to! Huwag kayong maniniwala sa mga inggetera!” pagpaparinig ko naman sa kanya.
Nagsilapitan na sa akin ang mga kaklase ko. Kasama kong nagbebenta ang best friend kona si Kim. Ahead sa amin ng isang taon si Ven kaya wala siya rito. Pero kaibigan na namin si Ven. Sa kanila ba naman ako nakatira eh.
“Masarap? Yung Nanay mo raw ang masarap! Yan ang sabi ng tatay ko!” sigaw ni Karmin.
Natahimik ang lahat. Literal na halos tumigil ang mundo ko. May bago na naman yatang imbento ang babaeng to.
Tumayo upang makita siya sa lupon ng mga kaklase ko na nakapaligid sa akin.
“Ano’ng ibig ming sabihin?!” pasigaw kong tanong.
“Bayaran ang nanay mo! Pokpok! Ginagamit siya ng tatay ko!” nanlilisik ang mga tingin niya sa akin.
Sa pagkakataong ito ay wala siyang karapatang magalit. Ako ang dapat na magalit sa kanya. Mas binigyan ko siya ng mga nanlilisik na tingin. Nagtatagis na rin ang aking bagang.
“Sinungaling! Pati ang tatay mo hindi mo na ginalang sa pag-iimbento mo ng kwento! Yung nanay mo patay na pero hindi mo na rin niresperto!” saad ko habang nagpipigil ng luha. Alam ko namang imbento niya lang ang sinabi niya pero parang masakit pa rin eh.
“Hindi ako nag-iimbento! Malandi ang nanay mo! Inaakit niya ang tatay ko!” pagdidiin niya.
“Hindi na ako nakapagpigil pa. Napigilan ko ang aking luha sa labis na galit pero hindi ang sarili ko para lumapit at sabunutan si Karmin.
Pagkatapos ko siyang patikimin ng super sabunot ko with matching magkamag-anak na sampal ay nag-cut na ako ng class. Nahihiya ako na naiinis. Hindi iyon totoo pero masakit talaga. Hindi ko pwedeng kwestyonin ang sarili kong ina. Kahit na habang naglalakad ako pauwi ay iniisip ko kung saan nga ba niya kinukuha ang pera para pag-aaral ko at sa pang-araw-araw namin. Public school ang pinapasukan ko pero alam kong marami pa ring gastusin pero nagagawang ibigay ni Nana yang lahat ng iyon.
Halos mapatigil naman ako sa paglalakad ng makita kong pumasok sa maliit na eskinita si Nanay. Ang eskinitang iyon ay papunta sa bahay nila Karmin. Kumpara sa ibang mga taga-rito sa squatter area sa Balintawak ay mas nakakaangat sina Karmin sa pamumuhay dahil barangay captain ang kanyang ama.
Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Pinipigilan ko pa ring pagdudahan ang aking ina. Twelve years old na ako. Alam ko na ang ibig sabihin ng pokpok at malandi. Hindi maaaring ganon ang aking ina. Napakabait niya. Napaganda niya rin kahit na thirty-five na siya. Sabi nila ay sa kanya nga raw ako nagmana. Hindi pwedeng ginagamit niya sa pagbebenta ng laman ang kanyang magandang mukha. Hindi totoo ang mga sinabi ni Karmin.
Mabigat na sumunod ang aking mga paa kay Nanay. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay walang tigil ako sa pag-iyak. Lalong bumuhos ang aking mga luha ng makitang pumasok siya sa bahay nila Karmin. Ano’ng ginawa niya dun? Naitanong ko sa aking sarili. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Hindi ako dapat magduda sa sarili kong ina.
Nakarating ako sa harap ng bahay. Sa mismong pinto nito. Nanginginig kong hinawakan ang bukasan ng pinto. Hindi ito naka-lock. Kabado kong pinasok ang bahay.
“Ahhhhhhh!”
“Iba ka talaga!”
Mga makasalanang ungol at tunog ang aking narinig. Sapat na upang malaman kung ano ang ginagawa nilang dalawa. Hindi nagsisinungaling si Karmin. Totoo ang lahat ng sinabi nito tungkol sa aking ina. Nakikipagtalik sa ibang lalaki ang aking ina. Natatakot akong baka sa iba’t-ibang lalaki.Baka pokpok nga siya. Baka sa ganitong gawain niya kinukuha ang ikinabubuhay namin.
Dali-dali akong tumakbo pauwi. Isa rin sa mga matitinong bahay dito sa squatter area ang bahay nila Ven. Bungalow type at mayroong dalawang kwarto. Nasa sari-sari store ngayon si Tita Lilian sa tabi ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto namin ni nanay. Doon ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Buong buhay ko ay lumalaban ako para kay nanay. Labis ko siyang hinahangan sa tatag niya sa buhay. May mga gabing naririnig ko siyang umiiyak kapag kami ay natutulog na. pero kapag araw ay isa siyang matapang na babae at mabuting ina sa akin. Kami nalang ang magkakampi. Iniwan siya ng aking ama. Binuntis lang siya nito at hindi na pinanagutan. Iniwan na parang basura. Galit ako sa aking ama kahit na ayaw sabihin ni Nanay kung sino siya.
Isang oras ang lumipas. Bumukas ang pinto ng aming kwarto. Si Nana yang iniluwa nito. Matamis ang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiti na mabilis napawi dahil nakita niya akong umiiyak.
“Anak bakit?” agad niya akong nilapitan at pinunasan ang aking mga luha. Ramdam na ramdam ko ang pagiging ina niya para sa akin. Ngunit naiilang ako sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa mga mata.
“Nay…” hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
“Ano yun anak? Magsabi ka lang. makikinig si Nanay.” Pag-enganyo niya sa akin.
“Nakita ko po kayong pumasok sa bahay nila Karmin. Narinig ko rin po ang ginagawa ninyo ni Kap. Nay bakit po? Nay bakit po?!” bulalas ko. Hindi ko siya tinitingnan. Nakayuko ako. Basing-basa na ang laylayan ng damit ko.
Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa akin. Tumayo siya. Noon ko lang siya nagawang tingnan. Nakaharap siya sa pader. Nakatalikod sa akin.
“Anak patawarin mo ako. Totoo ginagamit ko ang katawan ko para magkapera tayo. Hinahayaan kong gamitin ako ng ibang mga lalaki. Gusto kong makalimutan ang ama mo sa ganoong paraan. Sa kalaunan ay pinagkakitaan ko na rin. Matagal na noong iwan ako ng iyong ama. Mahal na mahal ko siya pero iniwan niya ako sa ere.” Pagtatapat ni Nanay.
Napaluhod nalang siya. Tumatangis. Sa ganitong kaawa-awang kalagayan ni Nanay ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Hirap na hirap siyang kalimutan ang aking hayop na ama. Awa at hind galit ang dapat kong maramdaman para sa kanya. Nanay ko pa rin siya. Lahat ginawa niya para sa akin. Iintidihin ko siya kung ito ang paraan niya upang makalimot at makatakas sa nakaraan.
Lumapit ako kay Nanay upang iparamdam sa kanya na walang nagbago. Mahal na mahal ko pa rin siya. Niyakap ko siya ng ubod ng higpit.
END OF FLASHBACK
Hindi naman sa kinunsinte ko na ang aking ina. Pinigilan ko pa rin siya sa ginagawa niya. Tumigil lang siya noong malaman niyang maysakit na siya. Tumigil na rin ako noon sa pag-aaral. Kalaunan ay namatay na rin siya. Two years na yung nakakaraan ng mamatay siya. Two years na akong pilit na nagmu-move on.
Nasamahan na ako nila Ven at Kim sa cr. Napadaan kami sa even center ng MOA.
“Please welcome Bryan Allen Aguilar!” tawag ng babae sa entablado sa isang lalaki.
Nakuha ang atensyon ko ng apelyido nito. Aguilar. Ang apelyido ng aking ama. Bago mamatay si Nanay ay sinabi na niya sa akin kung sino ang ama ko. Si Senando Aguilar. Kapatid ko ang tinawag sa entablado. Syempre pa ay hindi niya ako kilala.
Hindi ko pa alam ang kwento ng buhay ni Nanay at ng hayop kong ama. Ayokong tanungin si Tita Lilian. Ako mismo ang aalam sa lahat. Nabuo na sa isip ko ang paghihiganti sa kanya. Sa loob ng dalawang taon ay nakaisip ako ng plano upang magtagpo na ang aming mga landas.