CHAPTER THREE: PLAN FOR REVENGE

1975 Words
CHAPTER THREE: PLAN FOR REVENGE Hot Reminder: This story is erotic romantic comedy. It is a feel good story about s*x (ooops), love and friendship.   To avoid the story to be reported and become restricted, the author filtered all the censored and vulgar words. Please, read at your own risk. Warning: It may contain seen not suitable for very young readers. Parental guidance is not highly recommended just read at your own risk and make sure no one is around. ERAH ALERIE (POV) Pinagmasdan ko ang lalaking nagsasalita sa ibabaw ng entablado. Si Bryan Allen Aguilar. Gwapo naman siya. May bigote at balbas na hindi kakapalan. Nakakadagdag angas sa kanya iyon pero halata rin sa kanyang pananalita at pagtindig ang nag-uumapaw na kayabangan. We are the best in this business. Kami lang at wala ng iba. Sambit niya. Okay lang naman na ipagmayabang at itaas ang sariling bangko pagdating sa negosyo. Kaya nga lang ay iba ang paraan ng pagsasabi niya. Parang may pamemersonal. Hindi ko alam kung napapraning lang ako dahil galit ako sa kanya kaya ganito ang reaksyon at interpretasyon ko sa mga sinasabi niya. Alam kong dapat na sa ama ko lang ako magalit. Ang ama ko lang naman ang nagkasala kay Nanay eh. Pero ng malaman ko na mas matanda pa sa akin ang lalaking ito ay nagalit ako na rin ako sa kanya. Nakabasa ako ng isang magazine featured siya. Twenty-five years old na siya. Mas matanda sa akin ng tatlong taon. Ibig sabihin ay may nauna ng babae ang aking ama kaysa sa aking ina. Masaklap pa ay may kapatid pa akong babae. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Tulad ko ay twenty-two na rin. Gusto ko pa ring alamin ng mag-isa ang lahat tungkol sa aking ina at sa hayop kong ama. Hindi biro na halos ipamigay ni Nanay ang katawan niya sa ibang lalaki para lang makalimutan ang hayop kong ama. Ipaghihiganti ko siya. Gaganti ako. “Friend tara na. Nakita mo na di ba? Wala ka pang kalaban-laban ngayon. Luz Valdez ka lang kaya maging masaya ka nalang na makita sa personal ang kuya mers.” Si Ven. Inaaya na nila akong umalis. “Tara na.” pagsang-ayon ko saka na kami tumalikod mula sa entablado. Please welcome the president and CEO of the C-Cosmetics! Aldrin Cortez!   Aldrin Cortez. Mayamang pangalan. Gusto kong lingunin para makita ang mukha ng lalaking sunod na tinawag sa entablado. Kaso lang ay nagmamadali na kaming tatlo dahil male-late na ako sa workshop ko.   Good morning ladies and gentlemen. I’m glad to see everyone…   Nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon na Aldrin Cortez kung tawagin ay tila nagpantig ang aking tainga. Pamilyar ang boses niya eh. Kusang huminto ang aking mga paa. Ewan ko ba pero parang eksena sa pelikula ko siyang nilingon. Slow motion. Parang ambagal ng ilang segundo iyon. Pagkakita ko ay siya nga. Si gwapo nga. Ngayon ay alam ko na ang pangalan niya. Aldrin Cortez. Hindi lang pala siya mukha at amoy mayaman. Mayaman talaga siya. “Grabe friend! Mayaman pala siya.” Sambit ni Ven ramdam kong tumutulo ang laway para kay Aldrin. “Tara na. Late na ako.” Ako na ang nag-aya. Isang huling sulyap kay gwapong Aldrin saka kami tuluyang umalis ng MOA. Dito lang din naman sa Pasay ang punta namin. Nandito lang din ang acting studio kung saan ako nagwo-workshop. Weekend kaya naman nagpasama ako sa mga kaibigan ko. Baka kasi mabastos ako eh. mag-aartista ako. Hindi basta-basta artista. Bold star. Bomba star. Hubadera ng pinilakang tabing. Sexy and daring. Iyan ang mundong papasukin ko sa magulong mundo ng showbiz. Hindi ako marunong umarte kaya no choice ako. Hindi naman daw effort sa acting kapag nag-bold star ako. Part na rin ito ng paghihiganti ko. Step one ito kung tutuusin. Ang ama ko kasi na si Senando Aguilar ang haligi ng bold movies sa Pilipinas. Ngayong hindi na masyadong patok ang bold moivies sa  Pinas ay indie films naman ang pinasok niya. Indie Best Films ang pangalan ng film outfit. Hindi ko alam kung bakit pero ang film outfit niya pagdating sa paggawa ng mga indie film ang nangunguna sa industriya. Gayunman ay pumasok na rin siya sa ibang negosyo. Ang mga kapatid ko sa labas ang namamahala sa cosmetic company nila. Hindi ko alam kung bakit cosmetic business ang naisip nila. Ibig sabihin ay kalaban nila si Aldrin kaya nandoon si Bryan kanina sa event ng mga cosmetic company sa MOA. “You’re late! Lagi nalang bang ganyan Erah?!” maingay na bibig ni Boss Leo ang sumalubong sa amin. Si Boss Leo o Leonardo Salvejo ang may-ari ng film outfit kung saan ko gagawin ang launching movie ko. Lion films ang pag-aari niya. Mortal silang magkatunggali ng aking ama kaya sa kanya ko naisipang pumasok. Alam niya ang kwento ko. Kailangan kong sabihin sa kanya para tulungan niya ako. Plano naming yanigin ang aking ama. Pababagsakin namin siya hanggag sa lumuhod at makiusap siya sa amin. Kapag dumating ang panahon na iyon ay saka ko ipagtatapat kung sino ang babaeng nagpabagsak sa kanya. Maigaganti ko na si Nanay. Napagkasunduan naming isang sobrang bold movie ang gagawin ko pero indie pa rin. Iyong pag-uusapan talaga. Dapat makilala ako sa movie na ito. Kailangang sumikat ako. Sisirain ko si Senando Aguilar sa sandaling maging sikat na ako. Humanda siya. “Sorry talaga Boss Leo. Pinag-aralan ko kasi talaga ng mabuti yung eksena.” Palusot ko. Nilapag ko na ang dala kong shoulder bag. Naupo naman sa isang gilid sina Ven at Kim. “Dalian mo na! Maghubad ka na!” utos ni Boss. Napalunok ako ng laway. Hindi pa rin ako sanay. Marinig lang ang utos niyang maghubad na ako ay kinikilabutan pa rin ako. Hindi naman porn movie ang gagawin namin pero nakakakilabot pa rin. Nakahubad pa rin ang mga eksena. Nakakailang na nakakadikitan ko ng balat ang ibang lalaki. Leading man ko pa naman ang hubad king ng Pinas na si Adonis Dimalanta. Siya yung actor sa pinapanood namin na bold movie sa FX. Sanay na sanay na siya sa mga maseselang eksena. Mahirap kayang sumabay. Workshop palang ito pero wala pa kaming nagagawang matinong eksena. Hindi na ako sumagot pa kay Boss Leo. Pumasok ako sa dressing room. Ako lang namang mag-isa don. Wala naman kasing ibang tao kapag ganitong workshop. Kami lang ni Adonis as actors at si Boss na magsisilbing director na rin namin. Syempre pa ang mga kaibigan ko na rin. Safe ako sa mga kaibigan ko babae ang mga yun kahit si Ven. Pero si Boss at Adonis ay mga lalaki. Purong lalaki. Huminga ako ng malalim pagkahubad ko ng mga saplot ko. Bra lang at panty ang natira. Binalot ko muna ang katawan ko ng tuwalya saka ako lumabas ng dressing room. May queen size bed sa gitna ng studio. Nakaupo na roon si Adonis na nakasuot pa ng bathrobe. May itsura naman siya. Mukhang manyak kaya siguro sumikat sa paghuhubad. Mukhang macho dancer. “Hubad na!” utos na naman ni Boss. Nagtindigan na naman ang mga balahibo ko. “Ay! Ulam!” sigaw ni Ven sa sulok. Paano ba naman ay dali-daling naghubad na itong Adonis. Hubo’t hubad. Wala man lang suot na kahit brief man lang kaya ayun paghubad niya ng bathrobe ay tumambad kaagad ang kanyang p*********i sa amin. “Bakit naman po ganyan? Bakit hubad kaagad?” hindi ako makatingin sa makakapareha ko. Nagulat talaga ako. Napakalakas ng loob niyang maghubad sa harapan ko. Nakatingin ako kay Boss upang kwestyunin ang paghuhubad ni Adonis. “Sabi ko hubad di ba? Sumusunod lang siya.” Sagot naman ni Boss sa tanong ko. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na naman yata kayang walang saplot talaga. Ganito talaga dapat katindi? “Boss Leo, hindi ko naman po kaya yang ganyan.” Pagtatapat ko. Nakanguso na ako. Sa ganitong mga bagay ay uurong talaga ang buntot ko at mawawala ang tapang ko. “Aba naman Erah. Napakarami mong dahilan. Hindi tayo makakapag-shooting kapag ganyang napakarami mong arte. Bibigyan kita ng dalawang linggo. Dapat pagbalik mo rito ay handa ka na. First shooting day na natin iyon kaagad. Kapag hindi mo pa rin kaya ay papalitan na kita. Kahit na gusto kong makaganti kay Senando ay hindi ko naman hahayaang ma-delay ang production ko.” Niratrat na naman ako ng matandang to. Matanda kasing malaki ang tiyan ni Boss Leo. Wala siyang ginawa kundi pagalitan ako. Noong nakaraan sabi niya ay maganda raw ako kaya dapat ay nagamit ko na ang ganda ko sa kama. Hello! Kumusta naman yun di ba? Ayoko nga! Dapat yung mapapangasawa ko ang unang lalaki na makakakuha sa katawan ko. Kahit na naging babaeng bayaran si Nanay ay mahigpit pa rin niyang binilin sa akin na huwag kong itutulad ang sarili ko sa kanya. Kung sa kanya ang s*x ay naging paraan ng kababuyan dapat ituring ko pa rin itong sagradong bagay para sa mga pusong nagmamahalan. Nagsuot na uli ng bathrobe si Adonis. “Try to have s*x Erah! Kailangan ma-experience mo para madama mo ang eksena!” sigaw pa ni Boss bago tuluyang lumabas ng studio. Lumapit naman sa akin si Adonis. “Virgin ka pa ba? Tama si Boss dapat ay ma-experience mo para maramdaman mo ang eksena. Halatang nagulat ka kanina ng makita mo ang ari ko. Gusto mo ba ako nalang ang magturo sayo?” aba matinde! Bastos at manyak talaga itong bold star na ito! “No thanks!” saka ko siya inirapan bago talikuran at puntahan ang aking mga kaibigan. Inaya ko silang kumain na muna sa labas. Pumunta kami sa pinakamalapit na KFC. “Ano’ng gagawin ko? Mukhang papalpak na hindi pa man ang mga plano ko?!” bulalas ko. Wala pa akong nagagalaw sa orde ko. Flavor shots na nga lang ay hindi ko pa makain. “Halata nga. Kahit naman ako ang nasa posisyon mo ay kahit kailan hindi ko iyon magagawa eh. Mabuti pa ay mag-isip ka nalang ng ibang plano para makapaghiganti sa tatay mo. Malaking very wrong ang maging bold star Erah. Maganda at sexy ka nga pero virgin ka pa. Wala kanga lam sa paghuhubad at pakikipagtalik.” Seryosong tugon sa akin ni Kim. “O pwede rin namang makipag-s*x ka nga para alam mo na ang feeling.” Out of the blue na segunda ni Ven. Sabay kaming napatingin ni Kim sa kanya. Masamang tingin. “Oh para niyo naman aketch na lalafangin ah! Suggestion lang naman eh! Kung iyan talaga ang gusto mong paraan upang makaganti sa pudra mo! Wa epek ang panunuod lang friend! Dapat may gawa!” kung todo paliwanag naman itong Melvin. Sinimulan kong kainin ang order ko. Sabay sa bawat pagnguya ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Itutuloy ko pa ang plano ko? Ibahin ko nalang kaya? “Basta lang friend kung itutuloy mo yang plano mo tapos napagdesisyunan mong makipagjerjeran sa isang lalaki. Siguraduhin mo lang na gwapo, macho, mabango, mayaman at hindi relihiyoso ang lalaking mapipili mo. Huwag mo rin hayaang mabuntis ka dahil ang purpose ng s*x niyo ay para lang magka-experience ka. Dapat hindi masayang yung pagkawala ng virginity mo kaya ko nabanggit yung mga characteristics na naborlog ko.” All of a sudden na naman ay nagbibigay ng suggestion si Ven. Iyon nga lang ay bawat suggestion niya ay pinag-iisipan ko. Gwapo. Macho. Mabango. Mayaman. Parang may alam akong ganyan. Hindi bongga ang kamachohan. Tama lang pero pwede na. Iyon nga lang sa tingin ko ay mabait ang taong iyon. Parang relihiyoso rin. May matino bang lalaki na papayag sa ganung set-up na makikipagsiping lang sa akin para matuto ako? At matino ba akong babae kapag nagawa ko iyon? Papayag ka ba Aldrin Cortez kapag ang hiningi ko sayong pabor ay turuan mo ako sa pakikipagtalik? Hmmmm….  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD