Kinagabihan ay buo na ang pasya ni Arman, makikipag-usap na siya sa Lola ni Rita upang pormal na niyang hingin ang kamay ng apo nito. Masyado siyang natakot sa talang buhay ng isa sa mga magsasaka na lalaki kanina sa farm, kaya naman hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa, kailangan na niya na kumilos upang maikasal sila sa lalong madaling panahon ni Rita, mabuti na iyong nagiging maagap siya kaysa naman maunahan pa siya ng iba at magsisi sa bandang huli. Kaya kung ano man ang kahihinatnan ng magiging pag-uusap nila ng matanda ay bahala na, ang mahalaga ay nasabi na niya rito na hindi na siya makakapaghintay pa ng dalawang taon pa para ariin at pakasalan si Rita. Isang beses pa siya na humugot ng malalim na buntong hininga, bago kumatok sa pinto ng silid ng Lola ni Rita. Hindi naman nagtaga

