“Miss, pa-order po ng 2 order na kanin at 1 order na chopsuey, at 1 order na rin po sa menudo,” ani Rita sa tindera sa canteen. Pero sahalip na pansinin siya ng tindera ay nilagpasan siya ng tingin nito at si Arman ang tinanong kung ano ang order ng lalaki. “Kayo po Sir, ano po ang order n’yo?” Nagpapacute na turan ng tindera kay Arman, at bahagya pa itong ngiti ng ubod ng tamis. Tumaas ang kilay ni Rita sa pagpapacute na iyon ng babae. “Ah, kung ano ang sinabi n’ya na order, ‘yon ang bibilin namin, I’m with her,” sagot ni Arman sa tindera. Napunit ang ngiti sa labi ng babae nang marining ang sinabi ni Arman. Oh ano? Pahiyaka ‘no? Hilahin ko buhok mo d’yan eh! Imbes na magtinda ka pagpapacute ang inaatupag mo! Pagalitan ka sana ng amo mo! “Narinig mo ‘yon miss? Kasama ko s’ya kaya

