Mataas na ang araw sa labas ay magkayakap at mahimbing pa rin na natutulog sina Arman at Rita. Maingat na binuksan ni Yhiane ang pinto at napangiti ito nang makita ang sweet na sweet na posisyon sa pagtulog ng dalawa. Ngumisi ito. “Pakunwari ka pang ayaw mo kuno katabi si Sir Arman mo sa pagtulog, ah. Tapos ngayon makayakap ka wagas!” Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinituran ang mga ito. “There!” nakangiti na lumabas siya sa loob ng kwarto at bumalik sa mesa. “Naku. Lola, napuyat po yata silang dalawa at hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin po,” sabi niya sa Lola niya. At humila ng upuan. “Kain na po ako Lola ng almusal. Mukhang na pagod siguro mga ‘yon kagabi,” nakabungisngis na kumuha siya ng pansesal at nilagyan ng butter. “Oh, sige. Hayaan mo lang silang mag pahinga

