After three days of staying in the hospital ay sa wakas, discharged na rin ang Lola ni Rita sa hospital. Mabuti na lang ay naagapan ang pneumonia ng Lola ni Rita, dahil kung hindi ay baka nalagay pa ang buhay nito sa alanganin. Abo’t- abot ang pasasalamat ni Rita kay Arman dahil sa loob ng tatlong araw ng Lola nito sa hospital ay hindi sila iniwan ng lalaki. “Aba mukhang nakabinwit ng malaking isda si Rita sa manila ha,” “Oo nga mare, tignan mo ang sasakyan mukhang mamahalin ah,” Pagtsistismisan ng dalawang kapit bahay nila Rita nang makita sila ng mga ito na bumaba sa kotse ni Arman. Sinitsitan si Rita ng isang babae. “Hoy, Rita, baka gusto mo naman sa amin ipakilala ang kasama mo,” kantiyaw ng babae sa kaniya. “Naku. Aling perla. Saka na po tayo mag kwentuhan ah. Ipapasok ko po

