“I’m sorry, Ma’am, pero hindi po kayo allow makipag-usap kay Mr. Sandoval kung wala po kayong appointment,” magalang na sabi kay Rita ng secretary ni Mr. Sandoval. No hindi siya susuko andoon na siya eh. Sayang naman ang pagod niya kung hindi niya makakausap ang taong pakay niya sa lugar na iyon. “Miss, sige na po please. Five minutes lang po, please, saglit na saglit lang po talaga. Please naman po miss, importante lang po. Kailangan na kailangan ko lang po talaga na makausap si Mr. Sandoval, parang awa mo na po miss,” muling pagmamakaawa ni Rita sa babae. Kung kinakailangan lumuhod pa siya roon ay gagawin niya, mabigyan lang siya kahit lang minuto na makausap si Mr. Sandoval. Gusto niya na mapangiti si Arman, para naman may maitulong siya rito kahit papaano. “Ma’am, hindi nga po maa

