Walang kibuan silang pumasok sa loob ng condo, si Rita ay dumiretso sa banyo at nagshower. Sa mantalang si Arman naman ay nagtungo sa kusina at gumawa ng soup para sa dalaga. Hahayaan muna niya ito na makapaligo at makapagpalit ng damit, at saka na lang niya ito kakausapin pagmalamig na ang ulo nila pareho. Marahas siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga. This time ay siya naman ang may karapatan magalit, nakakakulo ng dugo ang nasaksihan niya. Wala nga silang relasyon, pero may karapatan pa rin siyang sabihan ito dahil siya ang tumatayong guardian nito. Yeah, so f*****g guardian, bro! kaya 'wag kang umarte na parang nobya mo s'ya huh? Iba ang concern ng isang guardian sa concern na meron ka sa kanya, aminin mo man o hindi 'yon ang totoo. Ikaw kasi e, babagal-bagal ka, 'yan tul

