Umiiyak na niyakap ni Armelle ang kapatid nito. "I'm sorry... I'm sorry hindi kita natulungan. Sorry kung napabayaan ka ni Ate..." hinawakan niya ito sa kamay. "Magpalakas ka kaagad. At 'wag mo nang isipin ang tao na gumawa sa 'yo nito. Dahil sisiguraduhin ko na mabubulok s'ya sa kulungan!" Mariin nito na pinahid ang mga luha at humarap kay Roldan. "Gusto kong makita ang tao na gumawa nito sa kapatid ko," aniya rito. Sinabi ni Roldan, kung saan kulungan na roon si Sandoval. Nakiusap si Armelle kay Roldan na ito na muna ang bahala sa kapatid niya. Pagkalabas niya sa kwarto ng kapatid ay dumeretso ito sa kwarto ni Maureen. Puno ng galit sa dibdib na pinihit niya pabukas ang seradura ng pinto, at pumasok roon. Pinagkatitigan niya ang babae na nakahiga sa hospital bed. "Gusto kitang sa

