“Pwede bang itulog mo na ‘yan?” May katarayan na sita ni Rita sa katabi na kanina pang nangungulit sa kanya. Hindi niya alam ang feeling ng isang lasing na tao dahil never pa siyang nalasing sa talang buhay niya, pero swear, hindi na siya natutuwa sa pangungulit ni Arman sa kanya dala ng sobrang kalasingan nito. “Akala ko ba gagawa na tayo ng baby natin? ‘Di ba sabi mo kanina gagawa na tayo ng baby? Bakit ayaw mo pa?” Kanina pa na bibingi si Rita sa bunganga ng binata na parang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabi iyon sa kanya. Kung ano-anong malalambing nasalita at pambobola ang lumalabas sa bibig nito at sinasabayan pa ng paulit-ulit na paghalik sa kanyang leeg, or ‘di naman kaya ay pinapasok pa ang kamay nito sa loob ng damit niya na siyang nagpapatili sa kanya sa sobrang kiliti

