"First, I am resigning as your guardian, and appointing myself as your soon to be husband for real," tumaas ang kilay ni Rita sa narinig na sinabi ni Arman. At talagang inaappoint na nito ang sarili bilang soon to be her husband for real, ah! Eh, ni' hindi pa nga ito nangliligaw man lang sa kanya, kaloka! "Soon to be husband for real ka d'yan! Ni' hindi ka pa nga nangliligaw 'no," she smirked. "Hoy, Mr. Armando Perez, hindi porque nakita mo sa phone ko na gusto kita, at hindi porque pumayag ako sa 'yo na magpahalik e, ganun na lang 'yon 'no! Syempre dapat maghirap ka naman kahit kaunti lang." Napangiwi si Arman sa sinabi ni Rita, kota na nga siya sa dami niyang paghihirap ah! Ang makatabi lang niya ito sa kama gabi-gabi ay napakalaking paghihirap na sa kanya. Kung alam lang nito kung ga

