Kumakabog ang dibdib ni Rita na lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Masama ang loob niya kay Arman pero ayaw naman niya na makita ito na duguan kagaya ng nasa masamang panaginip niya. Paglabas niya ng kwarto ay inabutan niya na may babae na kausap si Arman sa sala. Pipihit sana siya pabalik ng kwarto pero bumaling na ang mga ito nang tingin sa kanya. Napalunok siya nang makita ang magandang mukha ng babae. Bigla siyang na conscious sa sarili. Sa porma nito ay halata na edukada, 'di tulad niya. Bakit ba ang ga-ganda ng mga babae na kilala nito? Sino na naman kaya 'yon? Hindi niya ugaling maingit, pero feeling niya ang pangit na niya. Haist! Kung bakit naman kasi laging masasarap ang luto ng Lola niya kaya napaparami ang kain niya. At yung panahon na nasa unit

