"Hija, gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi kumain ng hapunan ang kapatid mo," anang may edad na kasambahay sa kagigising lang na si Armelle. Lumabas siya ng kwarto para maghapunan. Pero parang hindi niya magagawang kumain dahil sa stress sa kapatid niya. "Hindi pa po s'ya umaalis?" hindi makapaniwala na tugon niya sa kasambahay. At umupo sa hapagkainan. "Dinalan ko s'ya kanina ng makakain, pero hindi naman n'ya 'yon kinain," nag-aalala na saad ng kasambahay. "Let him, kung ayaw n'yang kumain ay bahala s'ya sa buhay n'ya, after all. kakain at kakain rin 'yan once na magutom," "P-pero... H-hija, baka maaring puntahan mo muna ang kapatid mo sa guest room. Marami na kasi s'yang binasag na mga gamit roon," "Nabasag na po ba n'ya lahat ang mga gamit sa guest room?" Mabilis na tumang

