Mahigpit na nakayakap si Rita sa abalang nagmamaneho ng motorsiklo na nobyo nito. Patungo sa park na di kalayuan roon sa university na pinapasukan niya. Mashinigpitan pa niya ang kayap sa katawan nito. Pakiramdam niya ay sa tuwing nasa tabi niya si Arman ay safe na safe siya. Shocked talaga siya, hindi niya sukat akalain na sanay rin pala ito na gumamit ng motor. Mm... ano kaya ang naisip ng lalaking 'to at naisipan na isakay siya sa motor? Araw-araw ay naninibago siya sa mga kinikilos nito sa kanya. Masyado siyang bini-baby kung alagaan at itrato siya nito. Iyong tipong kahit langaw orblamok ay hindi nito hahayaan na makalapit sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang nai- in love rito. At pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pa na mawala sa kanya ang kasintahan niya. Tama nga ang sabi n

