Kinabukasan ay nauna akong nagising sa mga kaklase ko. Humihikab na nag-inat ako ng mga braso at saka dahan-dahang bumangon upang hindi ko magambala ang kanilang pagtulog. Pumasok ako ng banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Nagpalit na rin ako ng pamalit. Kukunin ko na lang ang ibang damit ko sa bag mamaya. Kasamang naiwan kasi iyon sa sasakyan ni Steven. Lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. "Ang aga mong nagising?" Muntik ko nang maibuga ang tubig na nasa bibig dahil sa pagkagulat. Inubo ako gawa nang pagkakasamid. "Okay ka lang ba, Jana?" Hinagod ni Steven ang aking likuran. "Bakit ka ba kasi nanggugulat?" maluha-luha kong tanong sa kaniya gawa nang pagkakasamid. "Sabi ko kasi sa'yo bawas-bawasan mo ang pagkakape para 'di ka nagiging

