CHAPTER 11: COOL WIFE
(Jewel's P.O.V)
Pagkatapos na pagkatapos ng speech ni Aiden ay umalis na kami ng party. 1 na ng umaga pero hanggang ngayon di pa rin ako makatulog.
Umupo naman ako saka sumandal sa headboard ng kama at napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa kanya.
Ito lang kasi ang kauna-unahang tao na nakakatulog pa rin kahit ako ang katabi. Wala kasing nakakatagal sa pagiging magalaw ko sa kama. Pero siya, iba.
I sighed. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung bakit nagawang iwan ni Mira ang isang kagaya ni Aiden na mahal na mahal siya.
Gwapo naman si Aiden at isa pa nga ito sa kilalang billionaire businessman. Oo masungit siya paminsan at bipolar din pero mabait naman siya at mapagmahal na tao lalo na sa pamilya nito. Gentleman, maaalalahanin, at maalagain.
Kagaya nung natamo ko tong sugat ko sa tuhod. Sobra kung mag-alala na akala mo ikamamatay ko naman itong sugat na toh.
Hindi ko naman maiwasang isipin yung mga sinabi kanina ni Chloe sa party...
"And it was surprising that he got married because after Mira, he never had any serious relationship again. Mira was the first girl that Aiden really fall in love with so he was very devastated when Mira left him. ", Chloe
"Bakit? Bakit iniwan ni Mira si Aiden?", tanong ko sa kanya.
"She left him for another man. Heartbroken noon si Mira sa ex-husband nito nang magkakilala sila ni Aiden. Hindi ugali ni Aiden na lumapit sa mga babae dahil ang mga babae ang lumalapit sa kanya. Pero nung nakita nito si Mira na umiiyak noon... nilapitan niya. He comforted her. He had always been there for her. And before he knew it, he was already in love with her. Naging sila... Aiden gave everything to Mira. Kahit mga material na bagay man yan, binibigay niya... at maging ang puso niya binigay niya kay Mira... kaya siguro ganun na lang gumuho ang mundo nito nang iwanan siya ni Mira at bumalik sa ex-husband nito...", Chloe answered.
"H-Hindi ba mahal ni Mira si Aiden?", tanong ko ulit.
"She do love Aiden.", Chloe
"But why did she left him then?"
"Because she loves her ex-husband more than she loves Aiden.", Chloe
Kahit hindi sa akin nangyari ang mga bagay na iyon, parang ramdam ko ang sakit na naramdaman ni Aiden nang iwan siya ni Mira.
"Pero kahit iniwan na siya ni Mira noon, Aiden kept on believing that she'll come back to him kaya walang seryosong naging ka relasyon si Aiden after Mira because he's still waiting for her. But when I heard from Ian that he got married, I was so happy kasi sa wakas, tumigil na rin siyang hintayin ang babaeng walang kwentang nang-iwan lang sa kanya. At masaya ako dahil ikaw ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso ni Aiden, Jewel.", Chloe said then she smiled at me.
Binigyan ko na lang siya ng alanganing ngiti.
I think you're wrong Chloe.
Hindi ako ang nagpapatibok sa puso ni Aiden, si Mira pa rin ang nagpapatibok sa puso ni Aiden at hanggang ngayon hinihintay pa rin ata ni Aiden si Mira.
At sa tingin ko si Mira ang babaeng gusto talagang iharap ni Aiden sa altar at pakasalan, hindi ako.
Dahil ako...
Isang hamak lang akong Accidental Bride na namali ang napuntahan na simbahan kaya ako ang pinakasalan ni Aiden.
I'm not the girl he loves and he will never love me.
Hindi ko napigilang haplusin ang mukha ni Aiden.
"Tanga si Mira para iwanan ang isang kagaya mo... pero siguro, sadyang hindi lang talaga kayo ang para sa isa't-isa.", sabi ko sa kanya na akala mo naririnig niya ako. "Don't worry, darating din ang tamang babae para sa'yo... yung babaeng hindi ka iiwan at hindi ka sasaktan... yung mamahalin ka rin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya.", nakangiting sabi ko sa kanya kahit di niya ako naririnig.
At siyempre, hindi di ko sinasali dun sa mga kandidata ang sarili ko dahil alam kong hindi talaga ang tipo ni Aiden na babae at dahil iiwan ko rin naman siya.
After naming magkaroon ng anak, iiwan ko siya at ang magiging anak namin at kahit kailan ay di na ulit ako babalik sa buhay nila... sa buhay niya.
Wag kang mag-alala Aiden, darating din talaga ang tamang babae para sa'yo.
*****
"What's your order?", tanong sa akin ni Aiden pagkatapos niyang sinabi yung order niya dun sa waiter.
Naririto kasi kaming dalawa sa isang restaurant. Kagagaling lang naming sa hospital. Gusto ko mang samahan ngayon si Jervis pero kailangan ko pang tapusin yung news report ko sa office.
"Hmmm...", binalik ko naman dun sa waiter yung menu na inabot niya kanina. "Gusto ko ng isang box ng pizza, cake, spaghetti, fried chicken, burger, ice cream... at tubig.", sabi ko na nagpanganga kina Aiden at dun sa waiter.
Bakit? Siguro dahil sobrang dami nung inorder ko at dahil wala rito sa restaurant na ito yung mga orders kong yun. Nasa isang Japanese restaurant kaya kami noh.
Pero wala akong gusto dun sa mga sineserve nila rito. Feeling ko nga malapit na akong magkaroon dahil parang naglilihi na naman ako. Di ba sa ating mga babae kasi, pag malapit na tayo... nagkakaroon din tayo ng mga cravings. Yung parang tinatapatan din natin yung mga naglilihi. Heto nga't nagkre-crave ako nung mga sinabi kong pagkain.
"Jewel, they don't serve those foods here.", Aiden
Napasimangot ako sa sinabi niya. "E yun ang gusto ko e!"
"Jewel.", Aiden
"Tch! Sige na, ikaw na lang ang kumain. Mamaya na lang ako kakain pag nasa office ako. Magte-take out na lang ako nung mga pagkain gusto ko bago ako pumunta sa office.", naka pout namang sabi ko at nag cross arms pa.
Nakita ko namang napa-iling si Aiden at sinenyasan yung waiter na nilapit ang tenga kay Aiden at may binulong si Aiden dun sa waiter. Kung anong binulong? ABA MALAY KO! Hindi ako bionic woman para marinig ko noh! Baka tinanong kung maganda ako o tinanong kung tingin nung waiter sa akin e baliw. EWAN! BAD TRIP!
Ramdam ko namang nakatingin sa akin si Aiden pagkaalis nung waiter kaya napatingin ako sa kanya at nahuli ko nga siyang nakatingin nga sa akin. Pero imbes na mahiya dahil nahuli ko siyang nakatingin sa kanya, parang wala lang sa kanya.
"HMP!", pang-iirap ko sa kanya.
Sorry na lang siya, PMS ako ngayon noh.
Maya-maya lang ay bumalik yung waiter at laking gulat ko nung nilapag niya sa table namin yung mga pagkaing inorder ko na hindi naman sineserve sa restaurant na toh.
Teka... paanong...?
"Enjoy your lunch sir, ma'am.", sabi nung waiter bago umalis.
Napatingin naman ako kay Aiden na kinakain na yung inorder niya. Nagtaas naman siya ng tingin. "Eat, Jewel.", sabi niya.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. "THANK YOU!", tuwang-tuwa sabi ko sa kanya.
WAAAAHHHHH! Heaven tong mga pagkain na toh!
Napa-iling na lang si Aiden saka bumalik sa pagkain nung inorder niya pero napansin ko yung pagngiti niya. Kahit masungit tong lokong toh, may sweetness din pala siya sa katawan.
Sinimulan ko ng lantakan yung mga pagkain na nasa harapan ko.
"Hmmmmm, sharap!", hindi ko mapigilang sabihin kahit medyo puno ng pizza ang bibig ko dahil sunod-sunod ang subo ko.
"Tch, don't talk when your mouth is full.", sita sa akin ni Aiden pero hindi ko na lang pinansin pa. Mas nasa pagkain ang atensyon ko kesa sa kanya e. Ang sarap talaga sa feeling na nasasatisy yung cravings.
Sunod sunod lang ang pagsubo ko ng pizza, fried chicken, cake, ice cream, burger, at spaghetti.
ANG SARAP TALAGA!
Napatingin naman ako kay Aiden na hindi ko namalayang ubos na pala yung order niya at nakatingin na lang sa akin ngayon.
"Taposh ka na?", tanong ko sa kanya kahit puno pa rin yung bibig ko ng burger. May hawak hawak akong isang fried chicken sa kaliwang kamay ko habang sa kanan ay isang slice ng pizza.
Oo alam ko. So unlady like ako. E sa ganito talaga ako. At isa pa, si Aiden lang naman tong kaharap ko e.
Tumango lang si Aiden bilang kasagutan dun sa tanong ko kung tapos na siya.
"Tch, wipe the left corner of your mouth Jewel.", sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Agad ko pinunasan pero mas napa-iling pa siya. Bakit? Mali bang corner ng bibig ko ang pinunasan ko? Left naman yun.
"Come closer here Jewel.", sabi ulit niya kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang hawak hawak pa rin yung mga pagkain sa magkabilang kamay ko.
Nagulat ako nang bigla niyang punasan yung gilid ng bibig ko gamit ang table napkin niya.
WAAAAHHHHHHH!
"You eat like a child.", he commented pero sa may bibig ko pa rin siya nakatingin.
Hindi ko alam pero parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin ako ngayon sa kanya. Sheeeet! Bakit ganito? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? May sakit na ba ako sa puso? O bumabalik ba ang asthma ko? Naku! Kailangan kong mag-ingat pala. Mukang isang trigger ng asthma tong Aiden na toh e.
"There.", sabi niya saka niya pinakawalan yung pagkakahawak niya sa baba ko.
Umayos na ako ng pagkaka-upo ko. "T-Thank you.", sabi ko na lang.
May sasabihin sana siya nang biglang may tumawag sa kanya at yung taong yun ay walang iba kundi yung malanding linta.
"OMG! Aiden, you're here!", malanding sabi nito sa matinis nitong boses at agad lumapit kay Aiden at yumakap.
Kita ko nagulat si Aiden sa pagdating nitong malanding Jessica na toh.
At kung landiin lang niya ang asawa ko, akala mo wala lang ako rito sa harapan niya! Makakatikim sa akin talaga tong malanding tikbalang na toh!
Magsasalita na sana ako nang biglang may humila kay tikbalang patayo at kwinelyuhan si Aiden at hinila rin patayo. Isang lalaki yung gumawa nun. Walang sabi-sabi namang sinuntok nunlalaki si Aiden sa mukha.
"F-CK OFF! THAT'S MY WIFE!", galit na galit na sabi nung lalaki.
Napatili naman si tikbalang na si Jessica at grabe, sakit lang sa tenga. Parang isang tiyanak lang yung sumigaw na ang tinis tinis ng boses! May asawa na pala pero kung lumandi, akala mo single pa ang bruha!
Tatayo na sana ako mula sa pagkaka-upo ko pero biglang tumayo si Aiden mula sa pagkaka-upo niya sa sahig at sinuntok pabalik yung chinitong kapre na napahawak sa table cloth nung lamesa namin ni Aiden kaya nahulog lahat ng mga pagkain namin.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga pagkaing nasa sahig ngayon. WAAAHHH! YUNG MGA PAGKAIN KO!
Bigla nag-init ang ulo ko at napatingin ng masama sa gawi nina lintang tikbalang at chinitong kapre na silang may kasalanan ng lahat!
"HOY KAYO! UMALIS NA KAYO RITO BAGO KO MAISIPANG DALHIN KAYONG DALAWA SA GILINGAN NG NIYOG AT IPAGILING DOON!", sigaw ko kina Jessica at sa asawa niya.
"Would you just get lost you maid!", mataray na sabi sa akin nung malanding tikbalang.
Binigyan ko naman siya ng pekeng ngiti. "And would you want to lose your face?"
"Don't talk to my wife like that you b-tch!", biglang sabi nung asawa niyang kapre.
"Don't you ever call my wife a b-tch, d-cksh-t!", galit namang sabi ni Aiden na susugurin sana ulit yung kapre pero pinigilan ko.
Napangisi si chinitong kapre at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. ABA! Nakaka-insulto lang yung tingin niya!
"Ito? Ito ang asawa mo?", tanong nung chinitong kapre sa nang-iinsultong tinig.
ABA'T!
"Hindi, hindi! Baka ikaw siguro! Kasasabi nga lang di ba?! BINGI LANG O SADYANG TANGA KA LANG?! At wow ha, nagsalita! Mr. Pogi? Huh! Aba! Kala mo kung sinong makapanglait e mukha ka namang chinitong kapre lang! Mas may itsura pa sa'yo si Mang Bangky!"
"B*tch!", galit na sabi nito na akmang sasampalin sana ako pero hindi natuloy...
Hindi dahil pinigilan siya ni Aiden...
Kundi dahil tinuhod ko siya at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Kaya yung kapre, ayun. Namimilipit sa sahig habang hawak ang ilong na dumudugo ngayon.
Aba! Baka akala nila porket maliit lang ako e kaya nila akong api-apihin! Black belter kaya toh at di ako nagbibiro!
Yung malanding asawa naman niya, ayun! Nasa tabi nung chinitong kapre at yakap-yakap siya.
"Para yan sa pagsayang mo sa pagkain ko at siyempre, para din yan sa pagsuntok mo sa gwapong mukha ng asawa ko! Aba! Kung naiinggit ka sa gwapong mukha niya, wag mong suntukin at bumisita ka na lang sa isang plastic surgeon at magpagawa ng isang kaaya-ayang mukha! Pero kahit gawin mo pa yun, din mo matutumbasan ang kagwapuhan ng asawa ko noh! Ang mukha kasi niya, pang male version ng miss world, miss universe, miss international, miss galaxy, miss milky way, miss stars, miss moon, miss sun, miss earth, at lahat ng planetaaaaaaaaaaaa sa galaxy! E yang sa'yo? Wagi lang sa Mr. Lamang Lupa pageant! At ikaw naman naman malanding tikbalang ka! Aba! Feel na feel mo naman daw na pinag-aawayan ka raw ng dalawang lalaki?! Aba! Plano mo pa atang talbugan ang kalandian nina Nicole at Janine sa The Legal Wife at Two Wives. HOY! SINASABI KO SA'YO! Wag na wag ka ulit lalapit sa asawa ko at lalandiin siya kundi itong kamao ko ang lalanding sa mukha mo! KUHA MO?!", sigaw ko sa kanya at tumango naman ito. "Good. Dali niyo naman palang kausap!"
Humarap naman na ako kay Aiden na nakanganga lang habang nakatingin sa akin.
"Halika na! Pinapaiinit ng mukha nila ang ulo ko.", sabi ko sabay hila sa kanya paalis ng restaurant pero bago pa kami tuluyang makalayo ay nagsalita ulit yung chinitong kapre.
"Get your *sses back here! Di pa tayo tapos! MGA DUWAG!", sigaw nito.
"O siya, sa anong paraan gusto mo padala ko ang pwet namin? Through LBC o M lhuillier? Sabihin mo, papadala ko! Hintayin mo na lang ang delivery!", sigaw ko habang hila-hila pa rin si Aiden palabas ng restaurant.
Bwisit!
Kaimbyerna!
(Aiden's P.O.V)
Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse ay agad bumaling sa akin si Jewel. She cupped my face and scanned my face.
"Tch! Gago talaga yun a! At ikaw naman kasi, bakit ka nagpasuntok? Ayan tuloy, may sugat dito sa gilid ng labi mo.", she said while looking at the small cut in the side of my lips.
"I'm fine Jewel.", I assured her since she looks so worried as if I'm gonna die with that small cut.
"Hay naku, gusto mo balikan ko at resbakan ko yung kapreng yun?", Jewel asked.
I can't help but smile with what she just said. She might have lack in height but she have a high level of bravery in her.
"You already did that didn't you?", I asked in an amused tone remembering how she punch the hell of out of Jessica's husband earlier.
"Edi resbakan ulit natin.", Jewel
"You sound like a gangster. But no, we don't need to do that."
"Sure ka?", Jewel
"I'm sure. Where did you learn to fight anyway?", I asked her.
She smiled at me. "I'm a black belter in taekwondo, hubby. So be caremful, you won't want to mess with me."
I grinned at her.
Wow, she's a black belter huh?
"I will never dream of it."
Damn! I think I just hired a cool wife.