CHAPTER 10: JEALOUSY
(Jewel's P.O.V)
Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na rin kami sa isang hotel na pagmamay-ari ng Monteverde Empire at kung saan dinaraos yung party.
Binuksan naman ang pintuan ng sasakyan sa side ko at may nag-abot ng kamay niya na agad ko tinanggap. Pagbaba ko ng kotse ay doon ko lang nalaman na si Aiden pala yung nag-abot ng kamay niya.
Napakunot noo ako dahil sobrang titig na titig ito sa akin ngayon.
"WOI! Ayos ka lang?", tanong ko sa kanya dahil parang nakatulog na siya ng nakamulat.
Problema ng isang toh?
Napatingin naman ako kina lola Margareth at mama Jennifer na nakangiti lang habang nakatingin sa amin ni Aiden.
I snapped my finger in front of Aiden's face at dun lang siya parang natauhan.
"Wh-what?", Aiden
"WHAT WHAT WATAWAT. Problema mo? Halika na nga. Mukhang natutulog ka pa atang nakamulat diyan.", sabi ko na lang sa kanya at hinila na siya papasok. Nauna ng pumasok ang grandparents at parents ni Aiden.
"Good evening ladies and gentlemen. Let's all welcome the Monteverde family; the people behind Monteverde Group of Companies' success! The founder of MGC; Mr. Victor Monteverde and his loving wife Mrs. Margareth Ferrer- Monteverde. Former CEO of MGC; Mr. Dino Monteverde and his wife Mrs. Jennifer Perez- Monteverde. And of course, the current CEO of MCG; Mr. Aiden Clay Perez Monteverde and his wife... Mrs. Jewel Paris Rodriguez- Monteverde."
Nagulat naman ako sa narinig kong introduction ng emcee. Hindi ko kasi inaasahan na may ganitong introduction pala. Naramdaman ko naman ang kamay ni Aiden sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
"Ba't di mo sinabi na may ganitong introduction pala ha?", bulong ko sa kanya habang nakangiti pa rin sa mga bisita. Pumasok na kasi kami sa venue habang ang mga bisita ay nagpapalakpakan.
"I didn't know about this also. I'm sure it was my grandmother's idea. Damn. Just smile.", pabulong na sagot niya.
At gaya ng sabi niya, ngumiti na lang ako.
Sa kabuuan ng party ay palaging nasa tabi lang ako ni Aiden at pinapakilala sa mga bisita. Tuyong-tuyo na nga ang ngipin ko kakangiti sa mga taong di ko kakilala.
Nang makakuha naman ako ng tiyempo, nag excuse muna ako kay Aiden. Aba! Kung sila di sila napapagod kakatayo, pwes ako nanginginig na ang paa ko sa pagod at kating-kati na ang pwet kong umupo!
Nang makakita ako ng isang upuan sa gilid ay agad akong umupo. WAAAAHHH! Heaven! Tch! Ansakit na ng paa ko! Paanong natatagalan ng mga babae dito ang mga takong na toh?
Napangiwi ako nang maramdaman kong sumakit na naman yung tuhod ko. Hindi pa kasi talaga magaling yung sugat ko. Letcheng pag-Darna ko kasing yun!
Agad kong inalis yung heels na suot ko na halos 3 inches ang taas saka napapikit na ako. Maya-maya lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napadilat ako at napatingin sa taong tumabi sa akin...
Teka... kilala ko tong lalaking toh a.
"Zane?"
Ngumiti naman ito.
Si Zane nga!
"ZANE! IKAW NGA!", agad ko naman siyang niyakap.
Zane is a friend of mine. Kagaya ni Oliver, nakilala ko rin ito noon sa bahay ampunan.
"How are you Jewel? Matagal na tayong di nagkita a. Kumusta na sina Jervis at Oliver?", sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Ayos lang kaming tatlo. Si Jervis, ooperahan na rin siya. Makakakita na rin siya sa wakas.", pagkwekwento ko naman.
"Talaga? That's good news.", Zane
"Ikaw? Kumusta ka naman din? Pati na rin si Sheena?", ang tinutukoy ko ay ang isa rin naming kababata sa bahay ampunan noon na siyang girlfriend ni Zane.
"We're good. Actually we're getting married next month pag tapos na ang kontrata niya dun sa America. Invited kayo sa kasal namin.", nakangiti sabi ni Zane.
"Naman! Libreng pagkain din yun! Mahirap tumanggi sa libre.", pabirong sabi ko sa kanya.
"Pero ikaw... wow! Isang bilyonaryo pala ang napangasawa mo.", sabi ni Zane.
"H-Huh? Ah, oo. Swinerte. Namanata kasi ako bago namingwit kaya big time ang nahuli ko.", pabiro ko ulit na sabi sa kanya.
Masaya naman kaming nagkwekwentuhan. Andami rin naming pinag-usapan. Tungkol sa nangyari sa buhay niya. Isa na pala itong Vice President ng isang company na kasosyo ng MGC kaya naririto siya ngayon. Malayo na rin talaga ang narating niya sa buhay.
Biruan at tawanan lang kaming dalawa habang nag-uusap.
(Aiden's P.O.V)
I keep on looking around searching for Jewel. Pagkatapos kasi niyang umalis sa tabi ko kanina, hindi na siya bumalik pa.
I can't help but get worried especially that the wound in her knee is not yet totally healed.
"Hey dude!", Chino said who just came out of nowhere.
"Hi Aiden!", bati rin sa akin ni Chloe na kasama ngayon ni Ian. "Where's your wife? I so want to meet her!"
Yeah, Chloe wasn't able to meet Jewel personally because she was in the U.S during the wedding.
"Just like you, I'm looking for her.", I said to her while my eyes is still busy scanning the crowd.
"Hey, I think I just saw her seating at the corner talking to someone.", Vance said.
Someone?
Agad kaming pumunta sa sinabi ni Vance na kinaroroonan ni Jewel. And true to what he said, she is really seating in a sofa while chatting happily with someone.
Who, in particular, is a MAN.
I don't know but seeing her laugh in front of another man starts to drive me mad.
Maybe because she's my wife. MY HIRED WIFE! And even if she's just a hired wife, I don't feel like sharing what I own.
"Uh oh.", I heard Chino said in a teasing tone.
I walked towards them. Napatayo kaagad yung lalaking kausap ni Jewel nang makita ako.
"Good evening Mr. Monteverde.", he greeted me and I just answered him with a nod.
Napatingin naman sa akin si Jewel na mukhang nagulat pa na nakatayo ako sa harapan niya. "Ui, andyan ka pala? Di kita napansin."
"Sa tangkad kong toh? Di mo ko napansin? Baka di mo ko napansin dahil masyado kang naeengganyo makipagkwentuhan sa kasama mo kaya nakalimutan mo na rin na bumalik sa tabi ko kanina?", sabi ko sa kanya.
"Ha?", nalilitong sabi nito bago tumingin sa lalaking katabi nito. "Ano daw? Di ko gets.", tanong niya dun sa lalaki.
"Ah, sige Jewel. Kailangan ko na rin bumalik sa table ko. Saka na lang ulit tayo magkwentuhan. It's nice seeing you again.", sabi nito kay Jewel saka tinanguan lang ako at naglakad na paalis.
"Sige. WUI! TAWAGAN MO KO HA!", pahabol namang sigaw ni Jewel na mas ikina-kunot ng noo ko.
"And why would he call you?", I asked.
"Because sinabi ko? At teka nga? Ba't ba parang sinungitan mo si Zane? Wala namang ginawa yung tao sa'yo na masama.", kunot-noo sabi nito.
Tss. So that man's name is Zane huh?
"I didn't. Besides, you can't have any relationship with another man when you're still married to me.", I said in a serious tone.
"Relationship? Pinagsasabi mo ha? Ako at si Zane?", she asked before she started laughing. She keeps on laughing like as if I said something funny to her.
"Stop laughing.", I said to her in an irritated tone.
"E kasi naman ikaw... teka nga... nagseselos ka ba kay Zane?", she teasingly asked me.
"You're just imagining things. And put your shoes on.", sita ko sa kanya nang mapansin ko ang heels nito na nakapatong sa kinauupuan niya.
"ASOWS! LAKAS CHUMANGE TOPIC 'TOL! Jumejelly jelly kasi.", panunukso pa rin nito na ngumisi lang nang sinamaan ko ng tingin.
"Shut up and put your shoes on.", I ordered her in a serious tone.
"Ayoko, masakit na ang paa ko.", sabi nito na naka pout pa.
Agad naman akong lumuhod sa harap niya. "Is your wound hurting again?", I asked her.
"Oo. Baka nga bukas, pilay na ako.", she said.
"Here. Wear this.", napatingin naman kami kay Chloe na nakalapit na pala sa amin at may abot-about na isang bag. Agad kong inabot yun.
"It's a flat shoes. Palagi kong dala yan in case of emergency. You can wear it. I think we do have the same size.", Chloe said.
Agad ko namang isinuot yung flat shoes kay Jewel.
"Thank you.", nakatinging sabi ni Jewel kay Chloe.
"You're welcome. I'm Chloe dela Cruz by the way; Ian's wife.", Chloe introduced herself.
"Ah. Hi! I'm Jewel Paris Rodriguez... Monteverde. Jewel Paris Rodriguez- Monteverde.", pagdudugtong niya sa apelyedo ko nang tignan ko agad siya.
"I know. OMG! You're so pretty! You know, you could be a model of my magazine! Ang amo ng mukha mo, bagay mong maging model ko.", Chloe said.
"Chloe, no.", I said in a serious tone before Jewel can answer.
"HMP! KJ!", Chloe
Napatingin ako sa isang tauhan ko na lumapit sa akin.
"Sir, we need you now on stage for your speech.", he informed me.
"Okay, I'll be right there.", sabi ko bago tumingin kay Jewel. "Wait for me. I'll just finish this speech then I'll take you home. You need to rest your foot."
She just nodded then I walked towards the stage.
(Jewel's P.O.V)
Habang nagspi-speech si Aiden, sinamahan ako ni Chloe. At kahit kakikilala lang namin, kala mo parang best friends na kaming dalawa. Ang friendly kasi ni Chloe at pala kwento.
"You know, I was really surprise when Ian told me that Aiden got married.", biglang sabi ni Chloe kaya napatingin ako sa kanya.
Surprise? Bakit naman? Ano naman ang nakakagulat kung nag-asawa si Aiden?
Di kaya bakla talaga ang isang yun? HAHAHAHAHA! JOKE! Patayin pa ako nun pag sinabi kong bakla siya! At sayang ang lahi niya pag nagkataon na naging bakla yun.
"Bakit naman?", tanong ko kay Chloe. Na curious kasi ako bigla sa sinabi nito.
"Well you know, because of Mira?", Chloe
Mira? Sino yun? Yung babaeng kahoy na teleserye? Mirabella?
"Mira who?", kunot-noo tanong ko.
"OMG. H-He didn't tell you did he? Oh gosh. I'm sorry. Ang taklesa ko talaga.", sabi ni Chloe na tinatapik pa ang bibig niya.
"Hindi okay lang. Sino si Mira?", tanong ko ulit. Sobrang curious na talaga ako.
"Well....", parang nagdadalawang isip naman si Chloe kung sasabihin ba niya sa akin or hindi. Hinawakan ko siya sa kamay saka tumingin diretso sa mata niya.
"Sige na Chloe, sabihin mo sa akin kung sino si Mira.", sabi ko sa kanya.
"Mira is... Aiden's first love.", Chloe
"W-What?"
"And it was surprising that he got married because after Mira, he never entered into a serious relationship again. Mira was the first girl that Aiden really fell in love with so he was so devastated when Mira left him. ", pagkwekwento ni Chloe.
Left him? Why?
Bakit niya iniwan si Aiden? Napatingin naman ako ngayon kay Aiden na nagspi-speech pa rin sa harap.
Kaya ba wala siyang babaeng maiharap sa altar noon dahil kay Mira?
Hanggang ngayon kaya...
Mahal pa rin kaya niya si Mira...?