Chapter 6

1591 Words
CHAPTER 6: THE HUSBAND (Jewel's P.O.V) "ARAAAAAY!", reklamo ko pagkapasok na pagkapasok ko rito sa room ni Jervis dito sa hospital. Paano ba naman? Bigla-bigla na lang akong sinabunutan ni Oliver. "BRUHILDA KA! Anong ginawa mo kahapon ha? Bakit di ka dumating sa venue? Alam mo bang nahirapan pa kaming humanap ng magiging kapalit mo nun ha? At nagalit pa sa akin ang boss ko! Ni hindi mo pa sinasagot o nirereplayan ang text ko! At tsaka, nasaan ka buong magdamag at di ka pumunta rito kagabi ha?!", sunod-sunod na tanong ni Oliver sa akin na sinasabunutan pa rin ako. "SASAGOT AKO PERO PWEDE BITAWAN MO NA ANG BUHOK KO! HINDI d**o ANG BUHOK KO AT MASAKIT NA ANG ANIT KO!", reklamo ko sa kanya. Buti na lang at binitawan na niya ang buhok ko. Grabe! Ang sakita ha! "SAGOT NA KUNDI YANG BUHOK SA BABA MO NAMAN ANG SASABUNUTAN KO PARA MAS MASAKIT!", banta naman ni Oliver. Grabe tong isang toh! Ang brutal! "Oo na. Hindi ako nakapunta sa venue dahil maling simabahan ang napuntahan ko.", paninimula ko. "Tanga mo.", komento ni Oliver. "Manahimik ka, aahitan ko yang pwet mo." Sinimangutan lang niya ako. "O ano na sumunod nangyari? Ba't di ka pa rin pumunta sa tamang venue kung ganun?", taas kilay na tanong ulit nito. Nagdalawang isip naman ako kung sasabihin ko sa kanya yung nangyari kahapon at yung pagpapakasal ko sa taong kakikilala ko lang kahapon. Teka nga pala... hinahanap kaya ako ng lokong iyon? Hindi na kasi ako nag-iwan ng note kung saan ako pupunta. Hmm... siguro naman hindi. Sabi nga ng isa sa rule niya, walang pakialamanan kaya wala naman siguro siyang pakialam kung saan na ako pupunta. "ANO NA?!", sigaw ni Oliver kaya napatigil ako sa pag-iisip kay Aiden. "Tapos ano... ummm... nagpakasal ako.", sasabihin ko pa sana yung tungkol sa 10 million deal namin ni Aiden kaya ako nagpakasal kahapon pero naalala ko bawal nga pala. Nasa rule niya yun. "NAGPAKASAL?!", di makapaniwalang tanong ni Oliver. "May boyfriend ka ate?", tanong naman ni Jervis na tahimik lang kanina na nakikinig sa amin ni Oliver. "Ah, e... meron?" "SINO?! SINO YANG LALAKING YAN HA?!", tanong ni Oliver na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. "Si ano...", hindi ko alam kung sasabihin ko ba or hindi pero sure akong kukulitin ako nitong si Oliver pag di ko sinabi. "Si Aiden Clay Monteverde." "Sino yun? Adik diyan sa kanto?", Oliver. "Gaga... yung isa sa mga inaasam-asam mong billionaire bachelors dun sa magazine kahapon.", mataray na sagot ko sa kanya. Natahimik naman siya at ilang segundo lang ay humagalpak ito ng tawa. "NANANAGINIP KA BA O AMBISYOSA KA LANG SISTER?!", tanong nito na tatawa-tawa pa rin. "Paano namang si fafa Aiden Clay Monteverde ang asawa mo ha?" Tch! Bahala siya kung ayaw niyang maniwala! "Ate, sino yun?", tanong naman sa akin ni Jervis. "Wag kang mag-alala. One of these days, papakilala kita sa kanya.", sabi ko sa kanya. "Sinong ipapakilala mo kay Jervis ha? Yung mukha ni fafa Aiden sa magazine?!", tatawa-tawa pa ring sabi ni Oliver. Pasalamat ang isang toh kaibigan ko siya kundi baka kanina ko pa siya nasipa! Napatingin ako sa may pintuan ng room ni Jervis nang may kumatok doon. Hmmm... sino kaya yun?Lumapit naman ako at binuksan yun. Namilog ang mata ko nang mapag-sino ko yung taong kaharap ko ngayon. Walang iba kundi si Aiden! At dahil 5'3 lang ako habang ito naman ay 6'3, nakatingala ako sa kanya. "HAHAHAHAHAHAHA! O sino naman yan? HAHAHAHAHA-.", napatigil naman sa pagtawa si Oliver at na-ubo nang makita kung sino ngayon yung taong nasa harap namin. At kagaya ko, namilog din ang mata nito. "A-Anong ginagawa mo rito?", tanong ko sa kanya nang makabawi ako sa pagkabigla ko. Napatingin naman ako kay Oliver ngayon na parang na-estatwa sa kinatatayuan niya at nakanganga. "WOI! MAHIPAN KA NG HANGIN DIYAN E!" "Manahimik ka! Nagmomoment ako rito.", parang wala sa sariling sabi naman ni Oliver habang nakatitig lang ito kay Aiden. Napa-iling na lang ako sa kaibigan ko. "Si Oliver Dantes; best friend ko.", pagpapakilala ko kay Aiden sa kaibigan kong titig na titig sa kanya. "Hi.", casual namang sabi ni Aiden. "Hello...", parang wala sa sariling sabi ni Oliver. Kung nagiging hugis puso lang talaga ang mata, baka kanina pang hugis puso ang mata ng isang toh. "Ate... sino yan? Siya na ba yung asawa mo?", narinig kong tanong ni Jervis. Naglakad ako papunta sa kama at na-upo sa tabi ni Jervis. Lumapit din si Aiden at si Oliver na kay Aiden pa rin nakatingin. "Oo, siya si Aiden Clay Monteverde... asawa ko.", sabi ko sa kanya. "Si Jervis Rodriguez; kapatid ko.", pagpapakilala ko naman kay Jervis kay Aiden. "Nice meeting you, kuya Aiden.", nakangiting sabi ni Jervis. "Nice meeting you too Jervis.", Aiden said. "Bruha ka! Ba't di mo sinabing si Aiden Clay Monteverde ang pinakasalan mo.", bulong naman ni Oliver sa akin habang naka-upo kami sa sofa na naririto sa loob ng kwarto ni Jervis. Sina Jervis at Aiden naman, hayun at busy na nagkwekwentuhan. In fairness, di sinusungitan ni Aiden ang kapatid ko. Ako kasi sinusungitan niya e. Pero okay lang, gwapo pa rin naman siya. "Bakla, sinabi ko kanina. Tinawanan mo pa nga ako at sinabihang ambisyosa! O, sino ngayon ang napahiya?", taas kilay na tanong ko sa kanya. "Oo na. Malay ko ba namang totoo pala. E bakit ngayon po lang siya pinakilala at hindi pa noon? Hindi mo pa kami sinama sa kasal ninyo kahapon.", tanong ulit ni Oliver na kakaringgan ng pagtatampo ang boses. "E ngayon ko lang naalala na may asawa ako.", sagot ko na lang. "Baliw.", Oliver "Bakulaw." "Grabe, ang gwapo niya. Sarap halayin teh.", sabi ni Oliver na bumalik kay Aiden ang tingin. "Sige subukan mo, papahalay din kita sa aso." "Damot! Di marunong mag-share.", Oliver "Bakit? Mukha bang tinapay ang asawa ko para ishare ko sa'yo ha?" Naks! The possessive me! Ka-echingan kong toh! "HMP!", irap sa akin ni Oliver. "Sweetheart.", napatingin naman kaming dalawa ni Oliver kay Aiden. "Ako?", tanong ni Oliver sabay tayo pa at parang timang lang na nakangiti. Buti na lang parang hindi naman allergic sa mga gay si Aiden at hindi naiinis. Parang wala lang sa kanya ang pinaggagawa ni Oliver. Agad ko namang hinila sa kamay niya si Oliver at pina-upo saka ako naman ang tumayo. "Ako kaya wag kang ambisyoso. Wag mo akong agawan ng moment.", sabi ko kay Oliver na sinimangutan ako. "Bakit?", nakangiting tanong ko ko kay Aiden. "We need to talk.", seryosong sabi nito. "Okay. Sa labas muna kami.", sabi ko kina Oliver at Jervis na tumango lang at lumabas na kami ni Aiden. Umupo naman kami sa may bleachers na nasa hallway. "Why didn't you tell me where you're going?", inis na tanong nito sa akin. "Sinabi ko, tulog ka lang kaya di mo narinig.", simangot na sagot ko. Ang init agad ng ulo. "Tch. You should have left a note saying where you're going. Hindi yung bigla ka na lang umaalis.", naiinis pa ring sabi nito. Napakunot-noo naman ako sa inaakto niya. "E ang labo mo naman pala e. Sabi mo naman kasi walang pakialaman sa buhay ng bawat isa kaya inisip kong baka wala ka rin pake kung saan ako pupunta." "Tch! That's not the point.", kunot-noo sabi ni Aiden. "Well obviously I don't know what's your point then.", ang labo ng isang toh. "Nag text si lola kanina. She invited us to have breakfast with them but because I didn't know you were here, I had to lie that you were still sleeping and that we'll just have lunch with them.", Aiden "Ah, ganun ba. Sige, san ba tayo maglulunch?" "In Moonlight Restaurant. Susunduin na lang kita mamaya.", sabi naman ni Aiden. Nagkibit-balikat na lang ako. "Okay." Katahimikan sa pagitan namin ang sumunod. "I didn't know that what you said last night to my family about your family was true.", pagpuputol ni Aiden sa katahimikan sa pagitan namin. "H-Huh?", di ko gets. "You know... about your brother and your parents.", sabi nito. Aah. So akala niya nagsisinungaling lang ako nung sinabi ko yun ganun? Oh well. Di ko naman siya masisisi. Kahapon lang kami nagkakilala at pumayag pa akong magpakasal at magpanggap na asawa niya kapalit ng 10 million. Baka nga mababang uri ng babae ang tingin niya sa akin e. "Mas maganda ng sabihin ko ang totoo tungkol sa pamilya ko dahil baka biglang gustuhin nilang makilala ang parents ko. Di ko naman pwedeng hukayin ang parents ko sa libingan nila at ipakilala sa parents mo di ba? Baka mahimatay pa sila.", pabirong sabi ko sa kanya. As much as possible, ayaw kong pag-usapan yung nangyari noon sa pamilya ko. Pakiramdam ko kasi, parang bumabalik ako nung panahon na iyon. At nakaka-nega ng vibes yung panahon na yun. "Good point. I need to go now.", sabi nito saka tumayo at naglakad na pero bago tuluyang makalayo ay nilingon niya ako. "And next time, tell me where you're going. Don't get me worried again.", at nagtuloy-tuloy na ito na naglakad paalis. Naiwan naman akong napanganga sa sinabi niya. Di-Did he just say....? OHMY GHALI! N-Nag-alala siya sa akin kanina nung umalis ako ng walang paalam? Tama ba ang rinig ko o sadyang kinonvert lang ng tenga ko ang sinabi niya kaya gumanda? Pero hindi e... tama ang rinig ko... Hindi ko naman namalayan na napangiti na pala ako. He really said he was worried about me. The high and mighty masungit Aiden Clay Monteverde, nag-aalala sa akin. WOW! Ikaw na Jewel ang maganda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD