Chapter 7

1973 Words
CHAPTER 7: JEALOUS? (Jewel's P.O.V) Gaya ng sabi ni Aiden kanina, sinundo niya ako rito sa hospital ng 11:30. Gusto mang sumama ni Oliver pero walang magbabantay kay Jervis kaya di na siya sumama. At gusto ko mang isama si Jervis para ipakilala pero bawal siyang lumabas pa ng hospital. Ilang minuto lang at nakarating na rin kami sa Moonlight Restaurant. Labas pa lang, alam mo ng pang mayaman na restaurant iyon. Pwede kaya akong mag-apply na waitress dito? Kailangan ko ng trabaho dahil hindi pa ibinibigay sa akin ni Aiden ang milyon ko hangga't di ko siya nabibigyan ng anak. Naku! Kung nakakabili lang ng baby sa 7eleven, bumili na kaagad ako para makuha ko yung milyon ko! Naka-usap ko na rin si Aiden tungkol sa pag-advance nito ng pagbigay ng pera para sa operasyon ni Jervis at pumayag naman siya. Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan ng sasakyan sa side ko at sumilip si Aiden. "Let's go.", sabi nito na inalalayan pa akong lumabas sa kotse. Naks! Kahit masungit at topakin ang gwapong lalaking na toh, may nakatagong pagiging gentleman din pala siya sa katawan. Halos lahat naman ng mga babae na nadadaanan namin habang papasok sa restaurant ay napapatingin sa kanya. Yung iba tinataasan ako ng kilay pag napapatingin sa akin dahil nakahawak ako sa braso ni Aiden. Pag-aahitin ko mga kilay ng mga toh e! Tignan lang natin kung mataasan pa nila ako ng kilay. Ginagantihan ko ang pagtaas kilay nila sa akin ng pagbebelat sa kanila. MAINGGIT KAYO DAHIL ASAWA KO TONG GWAPONG NILALANG NA TOH SA TABI KO! "Stop that, Jewel.", biglang sabi naman ni Aiden at mukhang nakita ata ang ginagawa kong pagbelat sa mga babaeng tinataasan ako ng kilay. Napasimangot naman ako. "Sila naman kasi nauuna e." Nakita ko na lang na napa-iling ito. Ilang sandali lang nakarating na rin kami sa table kung saan naroroon ang pamilya ni Aiden. Agad naman silang tumayo at nakipag beso-beso sa akin. Inalalayan ako ni Aiden sa pag-upo at umupo na rin ito sa tabi ko. "Mukhang naging busy kayo sa paggawa ng apo ko sa tuhod kagabi kaya di kayo nakasabay sa amin nung breakfast.", nakangising sabi ni lola Margareth pagka-upo namin. Halos maibuga ko naman yung tubig na iniinom ko. Sakto kasing umiinom ako nang sabihin yun ni lola Margareth. Naramdaman ko naman ang kamay ni Aiden na hinahagod ang likod ko. Ubo kasi ako ng ubo. Grabe! Ang prangka pala ng lola nitong si Aiden! Natawa na lang sina lolo Victor at ang parents ni Aiden. "Ma, wag mo kasing ginugulat si Jewel. Tignan mo, pulang-pula na ang mukha niya o.", sabi ni mama Jennifer na nangingiti na lang. "You okay?", tanong sa akin ni Aiden at tinanguan ko na lang siya. "Pasensya ka na sa lola niyo Jewel, excited lang talaga yang magkaroon ng apo.", sabi naman ni lolo Victor sa akin. "Asus! Kayo rin naman excited ng magkaroon ulit ng baby sa pamilya natin.", nakasimangot na sabi ni lola Margareth bago nakangiting tumingin ito sa amin ni Aiden. "Gusto ko sana isang dosenang apo sa tuhod.", walang kagatol-gatol na sabi ulit nito. And for the second time around, muntik ko ulit maibuga yung tubig na iniinom ko. SHEEEET! Dapat ata huwag na akong uminom ng tubig sa tuwing kaharap ko tong lola ni Aiden! Mamamatay ako ng wala sa oras e! At ano raw?! ISANG DOSENANG APO SA TUHOD?! Pasimple kong hinila sa braso niya si Aiden at nilapit siya sa akin. "Pakshet! Kala ko ba isa lang? Ba't mukhang gusto naman ata ng lola mo gumawa ng magkaribal na team sa basketball at may tig-iisang bench warmer pa.", bulong ko sa kanya. Takte! AYOKO NOH! ISANG DOSENA?! ANONG TINGIN NILA SA AKIN?! INAHING BABOY PARA GANUN KARAMI ANG KAYA KONG IPANGANAK?! At baka di ko na rin mapakinabangan ang milyones ko pag nagkataon dahil baka pagkapanganak ko sa ika isang dosenang anak ko, tigok na ako. "I-Isang dosena ho? Di kaya mamatay ako niyan lola?", mahinahong tanong ko pero ang totoo, nagwawala ang buong pagkatao at ang matres ko! "Kaya yan.", tumatawang sabi pa nito. "Alam mo kasi Jewel, nag-iisang anak lang namin yang si Aiden kaya naman gusto namin magkaroon ng maraming apo mula sa kanya.", sabi naman ni daddy Dino. Halata nga, isang dosena nga ang gusto niyo e. Matatakot na ako kung konti pa rin yun. "Oo nga pala, san niyo planong pumunta para sa honeymoon niyo at kailan niyo planong umalis?", tanong ulit ni lola Margareth. "Uhm... ano po kasi... napag-usapan namin ni Aiden na hihintayin muna namin na matapos ang operasyon ng kapatid ko bago kami umalis.", sabi ko naman. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang ng ganun ang kapatid ko. Gusto kong ako ang una niyang makita pag naging successful yung operation niya. "Ah ganun ba? Ma-ooperahan na pala ang kapatid mo. Mabuti naman.", sincere namang sabi ni mama Jennifer saka ngumiti sa akin. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang order namin. Medyo naninibago akong maraming kasabay na kumain. Nasanay na kasi akong palagi na lang kaming tatlo nina Oliver at Jervis ang magkasabay. Kahit nga yung pagtawag sa parents ni Aiden ay naninibago ako... matagal na rin kasi akong walang natatawag na daddy at mama. Masaya naman silang kasalo. Pala kwento sila kaya hindi ko alam kung saan nagmana itong si Aiden sa pagiging seryoso niya at pagiging masungit e mukhang napaka jolly naman ang pamilya niya. "Aiden?" Napatingin kaming lahat sa tumawag kay Aiden. Isang babae na sobrang fitted ang suot na cocktail dress at sobrang kapal ng make-up. "OMG! IKAW NGA!", at ang linta biglang yumakap kay Aiden at hinalikan sa labi nito si Aiden. " How are you? I've missed you.", malanding sabi nito kay Aiden. Si Aiden naman parang di alam ang gagawin. Mukhang nagulat sa pagsulpot ni linta kaya di agad nakapag react. "Jessica, what are you doing here?", tanong ni Aiden kay linta na Jessica pala ang pangalan. Tss! E bago mo kaya tanungin, alisin mo muna yang kamay ng linta na yan na nakayakap sa'yo. And no, hindi ako nagseselos pero duh! Ako ang asawa pero heto siya at nakikipaglandian sa linta. "OH! Hi there lola Margareth, lolo Victor, tita Jennifer, and tito Dino.", sabi ni lintang Jessica na mukhang napansin na rin ang mga kasami ni Aiden rito sa table. Tinanguan lang ng kapamilya ni Aiden si linta maliban na lang kay lola Margareth na inirapan ito. Taray ni lola. At kung kanina ang saya ng mukha nila, ngayon biglang sumeryoso na. Dumako naman sa akin ang tingin ni linta at napataas kilay. "Oh! Ang bait niyo naman at pati maid niyo sinasama niyong kumain dito.", komento nito. ABA'T! PIGILAN NIYO AKO! PIGILAN NIYO AKO! ISASAKO KO TONG LINTA NA TOH AT IPAPASIPA SA KABAYO! STOP ME! "She's not our maid. She's Aiden's WIFE.", pagbibigay diin ni mama Jennifer sa salitang wife. Nanlaki naman ang mata ni linta at mukhang di pa makapaniwala. Nakaka-insulto talaga itong linta na toh a! Binigyan ko siya ng plastic na ngiti. "Hi. Ang bait nga naman talaga ng management ng restaurant na toh.", sabi ko sa kanya. "Why's that?", mataray na tanong niya sa akin. Mataray ka pala ha? HUH! Mas mataray ako sa'yo bruha! Sabi nga sa linya ni Jacqueline Jose sa 'The Secret Affair', b-tch ka lang... ako SUPER B-TCH. "Kasi akala ko, no animals allowed pero tignan mo naman... kahit linta pinapapasok nila rito.", nakangising sabi ko. "And by the way, nice make-up. Saan ka nagpaayos? Sa parlor or sa perya? Ang kapal kasi e. Nagmumukha ka na tuloy payaso." Nakita ko ang pag ngisi ng pamilya ni Aiden habang si linta ay namumula sa inis. "I'm outta here. Nagmamadali kasi ako.", pagpapaalam ni linta kay Aiden saka sinamaan ako ng tingin for the last time. "Oo nga, umalis ka na at nagmamaLANDI ka na e.", sabi ko naman. "What did you just say?!", Jessica "Sabi ko umalis ka na nga kasi nga nagmamadali ka di ba?", nakangiting sagot ko sa kanya. Inirapan na lang niya ako sat nag dire-diretso na siyang umalis. Buti naman, umalis na rin ito. "What was that?", tanong sa akin ni Aiden nang tuluyang makaalis yung linta. "Linta.", poker face namang na sagot ko. "No. What I mean is why did you have to say that to Jessica? You know she's just a friend.", Aiden Walangya tong loko na toh! Mukhang pinagtatanggol pa niya ang lintang yun a! At sa harap pa talaga ng pamilya niya! Humanda ka sa aking loko ka! "Dapat na ba akong matakot diyan, sweetheart? Baka kasi lahat ng kaibigan mong babae ganun. Yumayakap sa'yo at hinahalikan ka bigla sa labi. Excuse me.", sabi ko at ginawa ko na ang 'walk-out' act ko. Nakakahiya, baka kasi bigla na lang kaming mag-away sa harap ng family niya. Pero yung gagong yun! Talagang pinagtatanggol niya ang lintang yung sa harap ng parents niya at pinapamukhang masama ang ginawa kong pagtataray dun sa linta e yung linta naman ang naunang nang insulto a! Bwisit! (Aiden's P.O.V) "Bakit mo naman pinagsalitaan ng ganun ang asawa mo, apo?", grandma asked me. "What?" "Hay naku anak. Alam mo, normal naman na gawin yun ni Jewel dahil nilalandi ka nung Jessica na yun sa harap niya. What do you expect her to do? Of course she's gonna act like that out of jealousy.", mama "Ayusin mo yan Aiden Clay! Aba! Bagong kasal lang kayo pero inaaway mo na ang asawa mo!", lola scolded me. Great. Now I'm the one at fault now. Wait. Did just my mom told me that Jewel acted like that out of jealousy? She's jealous? Napatingin naman kami kay Jewel na bumalik na at umupo sa tabi ko. Pero ngayon, tahimik na lang siya. Hanggang sa matapos kaming kumain, tahimik pa rin ito. Hindi pa rin siya nagsasalita kahit nagpaalam na kami sa pamilya ko. Tahimik lang kaming bumabiyahe. "Are you jealous?", I can't help asking her. "Kanino? Dito sa kotse mo? Oo, ganda kasi e.", she said. Tss. "I mean Jessica." "Sinong Jessica? Yung linta? Naks! Sosyal ng pangalan. At teka nga, ano naman ang ikakaselos ko sa kanya?", Jewel "I don't know. You tell me.", I said then smirked at her lalo na't nakikita kong naiinis siya. Ngayon, ako naman ang mang-iinis sa kanya. "Hindi ako nagseselos okay? Di ako nagseselos sa mala payasong mukha niya! Di ako nagseselos sa katawan niya na halos makita na dahil nakulangan sa tela yung nagtahi ng damit niya! Di ako nagseselos na niyakap ka niya! At mas lalong di ako nagseselos na hinalikan ka niya sa labi!", Jewel Hindi ko naman mapigilang mapangiti. "You're definitely jealous.", nang-aasar na sabi ko sa kanya. "SINABI NA NGANG HINDI E! KULIT DIN NG LAHI MO NOH?!", she shouted at me. I stopped the car in front of the hospital the I faced Jewel who's pouting right now. She gasp when I moved closer to her and our face is now just an inch away from each other. I can even smell her baby scent. I smiled at her then unbuckled her seatbelt. "Don't worry sweetheart, there's nothing to be jealous about her.", I whispered in her ear. "HINDI NGA AKO NAGSESELOS SA KANYA E!", she shouted like a child who's about to cry because people won't believe what she's saying. "Hey, are you about to cry?", I asked her in a teasing tone. "HINDI! NAKAKA-INIS KA NA A! Hindi ako nagseselos sa kanya! Na-iinis lang ako dahil pinagtanggol mo yung lintang yun sa harap ng pamilya mo! Letche ka!", then she pushed me away and she went out of the car. "GOODBYE!", she shouted before slamming the door of the car. Napangiti na lang ako dahil sa inaakto niya. She definitely looks cute when she's jealous, if she was really jealous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD