◄Diego's POV► Ilang araw na rin ang lumipas mula ng mag-inuman kami ng kasintahan ko sa aking penthouse. Ewan ko ba, mula nuon, sa tuwing tinitignan ko siya, pakiramdam ko ay may mali sa pagkatao ko, parang hindi ako 'yung nakikita niya, parang iniimagine niya sa akin ang lalaking una nitong minahal. Hindi ko alam kung ako lang ba ito o talagang masyado lang akong nagseselos at nasasaktan sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon. Nakita ko kasi kung paano siya umiyak, nakita ko kung paano siya nanghihinayang na hindi iyon ang nakatuluyan niya. Masakit sa puso ko, pero ganuon talaga, 'yung inaakala mo na perpektong relasyon, pero hindi naman pala. Pero okay lang sa akin, nandito pa rin ako at nagmamahal sa kanya ng tapat. "Bro, buti naman at nandito ka sa opisina mo, ang dami nating trabaho n

