❀⊱Remy's POV⊰❀ "Ma'am nasa ibaba po si Sir Diego, hinihintay po niya kayo. Kausap po ng ate ninyo sa living room," ani ng kasambahay kaya ang laki ng pagkakangiti ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nandito si Diego, nandito ang mahal ko. Kaya nagmamadali akong nagtungo ng banyo upang maghilamos. Nag toothbrush na rin ako at nagbihis ako ng komportableng damit at pagkatapos ay halos takbuhin ko na ang pababa ng hagdanan. Pero natigilan ako at nagmabagal ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang halakhak ni Diego at ang tawa ni ate. Hindi agad ako nagpakita sa kanila, nakasilip lang ako sa may likod ng wall at tinitignan ko ang masayang pag-uusap ni ate at ni Diego. Nakikita ko sa mukha ni Diego ang labis na kasiyahan at ganuon din naman si ate. Ewan ko ba. Bakit ba ako nakakaramdam ng selos

