┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dumating ang araw ng paghaharap ni Diego at ni Tristan. Sa pamamagitan ni Waverly ay napakiusapan niya ang kanyang kapatid na si Tristan na harapin si Diego. Nandito sila ngayon sa restaurant na pag-aari ni Julian, sarado ang restaurant at eklusibo lamang ito na bukas para sa kanila, upang mapag-usapan ang tungkol sa sindikatong gumugulo sa kanilang magkapatid at sa kanilang magulang. Naglalabanan ng titig ang dalawang binata habang si Diego ay kuyom ang mga kamao at pinipigilan ang matinding galit na nararamdaman niya. "Kuya, sabihin mo na sa kanya kung bakit natin ginawa 'yon, ibigay mo na rin ang sulat na iniwan ni Ysabel bago siya nagpakamatay para maunawaan nila kung bakit tayo gumawa ng ganuong hakbang." ani ni Waverly. Humugot ng malalim na paghinga si Tristan, pa

