◄Diego's POV► Ayoko namang isipin nila na isa akong walang pusong nilalang kaya hindi ko ipinakulong sa bodega si Wilma, or whatever name she goes by. Sa isang silid siya ikinulong at sinigurado ko na hindi siya makakatakas dahil wala siyang lalabasang bintana. Nandito kami ngayon sa safehouse namin sa Cavite, dapat nga ay ililipat siya sa Batangas para makasigurado kami na walang nakasunod sa amin, pero after ng ilang pasikot-sikot na ginawa namin, clear naman na wala ng sumusunod. Nakaupo ako sa isang bato, dinudutdot ko ng patpat ang apoy na naglalagablab sa bonfire pit habang tumutungga ako ng beer. Katabi ko sila Marcus, nag-uusap-usap lang kami ngunit hindi naman ako nakikisali. Nakikinig lamang ako sa kanila habang malalim akong nag-iisip. "Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik? Pi

