◄Diego's POV► Mahigit dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng iniwanan ako ni Remy. Mahirap din ang maghanap ng taong ayaw magpahanap, lalo na kung may mga taong tumutulong dito. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, alam ko na isang araw ay magkakaharap din kami at maipapaliwanag ko sa kanya ang buong katotohanan. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghahanap, marami na akong napapabayaang trabaho. Hindi na ako makapag-focus sa maraming bagay, iisa na lang ang iniisip ko, ang mahanap ko ang babaeng nagpapabaliw ngayon sa isipan ko. Katulad ngayon na gabi na naman, puro na lamang alak ang karamay ko. Ito na lang yata ang lagi kong ginagawa gabi-gabi, ang magpakalunod sa alak. "Tama ako ng hinala na dito nga kita mahahanap. Alak na naman 'yang kaharap mo, puro ka na lan

