◄Diego's POV► Nandito ako sa aking opisina, nakatanggap ako ng tawag mula kay Marcus na pupunta daw sila ngayon dito dahil may mahalagang update sila sa akin tungkol sa nangyaring set-up sa amin ni Hera. Dahil sa sinabi niya ay agad kong ipina-cancel ang meeting ko na magaganap sana ngayong araw na ito. Mas importante sa akin ang sasabihin nila Marcus, kay tagal kong hinintay na malaman kung sino ang mga taong tumarantado sa akin. Hindi nila alam kung paano ako magalit, ipapakita ko sa kanila ang kalupitan ng isang Diego Villafuerte. Palakad-lakad ako sa aking opisina. Thirty minutes na ang lumipas mula ng magkausap kami ni Marcus. Ang sabi niya ay tatapusin lang niya ang pag-uusap nila ng kanyang kliyente, at pagkatapos ay darating daw sila dito, kasama sila Janine. Kanina pa ako hind

