❀⊱Remy's POV⊰❀ Nagpaalam kami kay Ate Hera na pupunta kami ni Diego sa penthouse nito at pinayagan naman niya kami. Mabait ang ate ko, sobrang bait at nararamdaman ko ang pagmamahal na iniuukol niya para sa akin. Mapalad ako na magkaroon ng isang ate na katulad niya. Kung sana ay nuon ko pa nalaman na may kapatid ako sa ama, sana nuon pa lang ay kinilala ko na siya kahit na ipagtabuyan pa niya ako. Pero mabait ang diyos dahil ibinigay pa rin niya sa akin si ate. Hindi ko na masasabi ngayon na isa akong ulilang lubos dahil may pamilya na akong maituturing. Nandito na kasi si ate sa piling ko at nangako siya sa akin na aalagaan niya ako at susuportahan. Masaya ako dahil siya mismo ang nagpapamalas ng pagmamahal sa akin. Patungo na kami ng penthouse ni Diego. Nakasakay ako sa kanyang sasaky

