┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pag gising ni Remy ay dumiretso na agad ito sa kusina upang tulungan ang kasambahay ng ate niya sa pagluluto. Pero laking gulat niya ng sa halip na ang kasambahay ng ate niya ang makita niya ay si Diego ang nakita niya, nagluluto ng agahan at sobrang gwapo pa nito kahit side view lang ang nakikita niya. "Uhm, ano ang ginagawa mo dito ng ganito kaaga? I mean, bakit ka nandito at bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si Manang Inday?" tanong ni Remy na naguguluhan. Bigla namang napalingon si Diego at ng makita niya ang kanyang niya na nakatayo at titig na titig sa kanya ay isang matamis na ngiti agad ang isinagot nito sa kanya bago ito nagsalita. "Good morning, mahal ko! Buti na lang at maaga kang nagising ngayon kasi I wanted to invite you to my penthouse. I'd love for you to s

