◄Diego's POV► Inabot din kami ng halos walong araw sa Milan, at ngayon nga ay hinihintay na lang naming lumapag ang eroplano sa paliparan ng Pilipinas. Natapos din namin ang ipinunta namin duon at ngayon ay magkakasama kami nila Marcus na bumalik dito ng Pilipinas. Parte kasi sila Marcus ng aming proyekto, kaya kinailangan din niyang tumungo sa Milan upang puntahan kami. Nag-stay din kami ng tatlong araw sa mansyon ng kanyang lolo upang makasama namin si Senior Grayson Dux. "Gusto nyo ba na kumain muna tayo bago tayo maghiwa-hiwalay? Wala pa tayong hapunan," ani ni Marcus ng tuluyan ng lumapag ang eroplano sa airport ng Pilipinas. "Sa akin ay walang problema, kanina pa rin naman ako nagugutom," sagot naman ni Hugo kaya nagkibit balikat lang ako. Wala din namang problema sa akin. Okay l

