27

1543 Words

NAMANGHA si Kate pagpasok niya sa loob ng hospital suite. Parang wala siya sa ospital, mas para siyang nasa hotel. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang magarang kama. “Sigurado kayo na ospital ang pinasukan natin?” tanong niya sa mga kasama niya habang hindi nilingon ang mga ito. Nakatutok lang ang tingin niya sa kama na sa kakasya ang tatlong tao sa kanyang palagay. Maganda ang bulaklaking bedding. Tila napakalalambot ng mga unan. May kung ano-anong aparato at buton sa headboard ngunit maganda pa rin disenyo ng head board. Parang hindi iyon hospital bed. Kung walang mga kagamitang pang-ospital sa tabi ng kama ay talagang iisipin ni Kate na nasa hotel siya. “Iyan din ang gusto kong itanong, Ate,” ani Karol. Masyadong malaki ang suite. May maliit iyong kusina na mayroon dining set

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD