25

1876 Words

“NAIINTINDIHAN ko kung bakit ayaw mong sabihin sa amin, Ate, pero sana ay sinabi mo pa rin.” Banayad na hinagod ni Kate ang braso ni Kristine na nakayakap sa kanya. Tutugon sana siya sa sinabi nito ngunit naunahan siya ni Karol na nakayakap din sa kanya. Nakahiga silang tatlo sa kama, siya ang nasa gitna. Ayaw lumayo ng kanyang mga kapatid sa kanya. Ayaw siyang pakawalan ng mga ito at ayos lang iyon sa kanya dahil ganoon din ang kanyang nadarama. “Dapat talaga ay sinabi mo sa amin. May karapatan kaming malaman, Ate. Hindi maaaring ikaw na lang palagi ang nagdedesisyon para sa amin. Kailangan mo nang tigilan ang pangunguna sa amin. May isip na kami. Kaya na naming magdesisyon. Kaya na naming i-handle ang mga sarili namin.” Hinagkan ni Kate ang ibabaw ng ulo ni Karol. Hindi na niya madala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD