12

1792 Words

ANG SABIHING maganda ang beach property ng pamilya ni Andre sa Baranggay Mabayo Morong, Bataan ay kulang. Papalapit pa lang sila sa lugar ay nasiguro na ni Kate sa kanyang sarili na magugustuhan niya roon. Simple lamang ang bahay na malapit sa beach ngunit elegante. Tahimik at payapa ang lugar. Pagbaba sa sasakyan ay kaagad niyang pinuno ng sariwang hangin ang kanyang mga baga.  Hinayaan niyang si Andre na ang magpasok ng mga gamit niya sa loob ng bahay. Kaagad niyang nilapitan ang dagat. Napakalinis ng tubig. Luntian ang kapaligiran. Banayad ang mga alon na humahalik sa dalampasigan. Hindi gaanong mainit sa balat ang araw. Dumagsa ang kaligayahan kay Kate, kaagad pumuno sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay may parte sa kanya ang nakalaya.  Napangiti si Kate, hinayaan ang sarili na maging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD